SS019

488 17 1
                                    

SS019: Mundo by IV of Spades

Ilang oras na simula nang makaalis si Aeika sa mansyon ng mga Montefierro. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. Pero alam kong kasama na niya sina Arie dahil nagtext ito sa akin.

Nandito kaming lahat sa sala at pinag-uusapan na ng TFK ang nangyaring trahedyang sinapit ni Caius.

"Paano bang si Caius ang pinagbintangan ng gan'on, Rob?" tanong ni ate Artemis na nakaupo sa malaking couch.

Lahat sila ay ang elegante ng mga suot. Though simpleng dresses, and button down shirts ang mga damit nila ay talagang nababagay ito sa kanila.

Ang tatlong lalaki ay nakatayo habang ang mga babae naman ay naka-dekwatro sa sofa at may hawak na wine at sigarilyo.

"I think, it was a set up just like what happened to Izrael." puna ni ate Adaline.

"How is it like that if all the evidences are pointing to Caius, Adaline?" tanong ni Echo.

Nakita ko namang natahimik si ate Adaline at nag-iisip. I can't help but to feel amazed dahil kahit na iba-iba ang kanilang tinapos ay talagang sila-sila pa rin ang magkakatulong sa ganitong kaso.

Gusto ko pa sanang makinig ng kanilang mga pinag-uusapan ng bumulong sa akin si Xyvier.

"Hindi ka ba uuwi rin para magpahinga?" tanong niya.

Ngayon ko lang napansin na kami na lang ni Xyvier ang natira rito kasama ang TFK dahil kanina pa umalis sina Supremo upang pumunta sa kanilang trabaho.

Naalala ko ring may balak nga pala ako para sa araw na ito para sa aming dalawa.

"Magbihis ka pala. Aalis tayo." ani ko.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Xyvier na para bang walang kahit na anong alam siya sa gusto kong mangyari. Malamang, hindi ko rin naman kasi pinaalam.

Sa huli ay sumunod na lang siya at agad na naming in-excuse ang mga sarili sa TFK. Ngunit hindi pa man kami nakaalis nang tinawag kami ni Robber.

"Xyvier," he called.

Hindi lumingon si Xyvier ngunit alam kong nakikinig siya. Hindi naman siya titigil kung hindi 'di ba?

"Babawiin ko si Caius." seryosong sabi niya.

Hindi tumango at hindi rin nagsalita si Xyvier kaya naman alam kong gusto na rin niyang umalis kami d'on. Tinignan ko si Robber at tumango lang siya sa akin.

Hinila ko na palayo r'on si Xyvier at dumiretso na kami sa kaniyang kwarto. Binuksan ko ang kwarto niya at tinulak siya papalayo. Parang wala sa sarili si Xyvier kaya naman napabuntong hininga ako.

Lumapit ako sa kaniya at pinatingala siya sa akin. "Xy," tawag ko.

Tumingin siya sa akin at d'on ko napagtantong naipon na lahat ng kaniyang emosyon. I can see doubt, fear, sadness in his eyes...

"Hindi na ako naniniwala sa kaniya, Cy..." bulong niya't yumuko. Pinalapit niya ako sa kaniya at yumakap sa akin.

Hinaplos ko lang ang kaniyang buhok at muli ko na namang narinig ang kaniyang mga hikbi. Hindi ko alam kung gaano ito kasakit para kay Xyvier ngunit alam kong sobrang bigat nito para sa kaniya. He isn't that fully healed yet because of what happened. Tapos, dadagdagan ng kuya niya.

"I used... I used to look up to him but then shit happens... Hindi ko na kayang pagkatiwalaan siya ulit dahil hindi naman matutupad."

Tumingala ako at sinusubukang pabalikin ang luhang namumuo at gustong tumulo sa mga mata ko.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon