SS013

553 21 6
                                    

SS013: Stuck With You by Ariana Grande & Justin Bieber

Weeks have passed. The exam week is over. We already got our grades for this term. Luckily, I'm still at the dean's list and my grades are still reaching the goal for my scholarship. Now, I have the time to chill and focus a bit more to my work rather than my studies.

Kaliwa't kanan ulit ang mga gig ko. I have to earn money. Binalitaan na ko ni Mama about sa lagay niya, and she said it's about her diabetes. Medyo lumalala na daw. This time, she needs to have insulin treatment. Medyo mahal ang insulin kaya kailangan ko pang magsipag para sa pera.

Xyvier was there to most of my gigs. Lalo na kapag gabi ang schedule ko. He wanted to make sure that I'll get home safe. Inaasar na nga siyang personal assistant ko daw. Lagi kasing nasa tabi ko. Our relationship to each other is growing. Nakikita ko iyon. We're becoming more comfortable to each other at medyo marami na din kaming nalalaman sa isa't isa. Unti-unti ay natututo kaming mag-open up sa bawat isa. And actually, I like the improvement.

"Do you have gig later?"

Speaking of. Kasama ko siya ngayon. It's not just the both of us though, kasama namin ang mga kapatid niya. At nandito kami ngayon sa apartment niya.

"Not for later. May lakad ako bukas." sagot ko bago sumubo sa chips ko.

Hindi siya sumagot pero alam kong tumango siya. Kumuha siya sa hawak kong bag ng chips at nagpatuloy sa paglalaro ng Left 4 Dead sa PS4 niya.

"Alam mo, Spade, konti na lang mapagkakamalan na kitang walang utak." rinig ko na ang pagsisimula ng trashtalkan nila, lead by Dylan.

"Bobo ka ba? E 'di ko nga sabi nakita 'yung zombie." sagot naman ni Spade.

"De, tanga ka lang talaga." sagot ni Kai, na syempre kakampihan si Dylan kasi kakambal niya.

Minsan nalulula ako sa sobrang dami nila magkakapatid. But it wasn't hard for me to memorize them kasi noon pa man ay kinilala ko na sila. And I must say na sakit sila sa ulo 'pag magkakasama sila. They're a whole bunch of different personalities at minsan ay 'di maiiwasang mag-collide ang mga ugali nila.

"Tangina niyo, ang ingay niyo." rinig kong sermon ni Xyvier.

Isa din sa napansin ko na pagdating sa mga nakababatang kapatid ni Xyvier, ganap na ganap siya sa pagiging kuya niya. Madalas pang manermon.

"'Pag 'di kasi marunong maglaro nito, mag-Tetris na lang o kaya Candy Crush." pangaasar naman ni Lath.

"Puta, ayoko na nga!" pagdabog ni Caius at binitawan na ang controller, "Ang iingay niyo e. Daig niyo pa babae." sabay walk out niya papunta sa kwarto ni Xyvier.

Galing mag-walk out e. Imbes na palabas, papasok pa ng kwarto.

"Papasabugin niyo yata bahay ni Xy e." tawa ni Stan na tahimik na naglalaro ng Mobile Legend sa isang gilid.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nag-s-scroll sa phone ko. Boys will be boys. Lagi na lang may bangayan e.

"What's with the sigh?" bulong ni Xy sa tenga ko.

Napalayo naman ako ng konti dahil nag-goosebumps ako lalo na sa batok ko. Pano ba naman kasi, sinadya niyang sa may tenga ko talaga magsalita. Ako na naman naisipang pag-tripan nito kasi tapos na silang maglaro.

I heard him chuckle bago niya ipinulupot ang kanang braso niya sa bewang ko at hinila ako palapit sakanya. Walang kahirap-hirap para sa kanya kasi parang nag-slide na lang ako pabalik sakanya kasi nakaupo kami sa lapag.

"Come here, beautiful." he softly said before chuckling.

Tinarayan ko lang siya kahit deep inside, nagwawala na talaga ang mga paru-paro sa tiyan ko 'pag nagsasalita siya ng ganyan. At siya 'yung tipong ipaparamdam talaga sa'yo na babae ka kasi he will always compliment you in every situation.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon