SS020: Your Mundo Universe by Rico Blanco & IV of Spades
A month had passed. Medyo madaming nagbago. Isa na d'on ang pag-alis ni Aeika ng bansa. Araw-araw namin siyang nami-miss. Si Saffia ang pinaka naapektuhan pagdating saming magkakaibigan. She was the closest to Aeika. We can never undestand why it should be that way. Pero wala naman kami magawa dahil it's a decision made within her family. After she flew to states, wala na kaming narinig mula sakanya.
Zed and Aaliyah are a thing now when it comes to vlogging world. Simula n'ong 24 hours magjowa challenge vlog nila ay biglaan ang pagsikat nila as screen couple. Parang nag-boom na lang bigla, pumatok sa audience. Napakadami nilang fans at shippers. Kaya naman ginawa na din nilang career iyon. I just don't know kung totohanan na ba o umaarte pa din sila sa harap ng camera.
Stan and Arie are now dating. I know right? Nakakabigla talaga. It caused a fight between Stan and Supremo. Sa huli ay pinili na lang ni Supremo magparaya. He can't do something about it kung talagang kaibigan lang ang tingin sakanya ni Arie.
Luella stayed secretive about her lovelife. But I once saw her with Rafael. Anyway, I don't wanna conclude. Kaya hinayaan ko na lang.
What I liked the most sa mga pagbabagong nangyare ay ang unti-unting pagsikat ng The Mythicals. May manager nang kumuha sa kanila ngayon. They're now already working for their first ever album. Matagal pa man ang release nito pero ngayon pa lang ay sobrang proud na ko kay Xyvier. And I know na once na maipakilala na sila sa buong publiko ay madaming magmamahal sakanila. I can't wait for that to happen.
"Ingat kayo pauwi ha." malambing na paalala samin ni Arie bago na tumungo sa parking lot ng school.
Kasabay niya na ding naglakad papuntang parking lot sila Luella at Aaliyah. Samantalang si Saffia naman ang natirang kasabay kong maglakad papunta ng gate. Kakatapos lang ng huling klase namin para sa araw na 'to at uwian na.
Nabigla naman ako nang may umakbay na sakin mula sa likod. Nang nilingon ko iyon ay nakita ko si Xyvier na nakangiti na sakin.
"'Wag naman sana sa harap ng single." reklamo ni Saffia na tinawanan naman naming dalawa.
"You should get a boyfriend, Saf." ani ni Xyvier at dinulas ang kamay niya pababa mula sa balikat ko papunta sa kamay ko para hawakan iyon.
Dahil halos palagi kong kasama si Xyvier ay naging close na din talaga siya sa mga kaibigan ko. And he's really good at making friends.
"Sige, pwede din. I-reto mo ko sa mga kapatid mo. First come, first serve basis kamo." biro naman ni Saffia.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Lumalabas na naman 'yung pagka-ate ko sakanila. Nag-peace sign naman sakin si Saffia bago na nagmamadaling nagpaalam at nauna nang maglakad.
I heard Xyvier chuckled beside me.
"You're so strict." aniya.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya at napalayo siya agad d'on bago nagtaas ng dalawang kamay habang tumatawa.
"Where are we going?" tanong ko.
'Pag ganito kasing sabay kaming umuuwi ay automatic na 'yon na magde-date kami o kaya naman ay tatambay sa apartment niya. Na nangyayare naman ng halos apat na araw sa isang linggo. Buti nga hindi pa kami nagkakasawaan sa mga mukha namin e.
Huminto siya maglakad kaya napahinto din ako. Hinarap ko siya ng may pagtataka at nakita ko kung paano sumeryoso ang tingin niya sakin.
"I want you to meet my mother." aniya.
Agad naman nanlaki ang mga mata ko d'on, "Mama mo?" pag-ulit ko pa.
Tumango siya.
"It's been awhile since I last saw her. She's been messaging me for the past months. I finally had the courage to see her, now that I have you."
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...