SS009

529 20 0
                                    

SS009: Out Of My League by Stephen Speaks

"Once again, that's the Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal. Let's give her a round of applause."

Yumuko naman ako bilang pagbibigay ng pasalamat sa lahat ng nakinig. Pagtapos ay agad na akong bumaba at sinalubong ng naka-ngiting si Eleny.

"Girl, wala ka talagang kupas! Uuwi ka na ba?" nakangiting tanong niya.

Iaabot na niya siguro sa akin ang talent fee ko. Tinignan ko muna ang wrist watch ko at nakitang alas nuebe pa naman ng gabi at ang alam ko'y mayroong gig ngayong gabi sina Xyvier. I wanna watch him, too.

"Hindi, El. Manonood muna ako rito. Is that okay?"

Agad na nanlaki ang mata niya at tumango. "Of course, Cyrelle. Walang problema. I was just worried about you, you know. Ikaw lang mag-isa," ngumiti siya.

"No. I'm actually with someone right now."

And as if on cue, naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakitang si Xyvier iyon na naka-ngiti.

"Galing mo kanina, ha." puri niya. He looked so proud.

Ngumiti lang ako, nahihiya at walang mahanap na salitang sasabihin. He's the main reason why I came up with that song. "Thanks."

"Wait, girl. Are you with him?" tanong ni Eleny. Nandito pa pala siya.

Nahihiya man ay tumango na lang ako. Tumawa lang si Eleny tsaka tinapik ang balikat ko, nagpapaalam. "Ganun ba? Ingat ka lang. Balita ko maraming babae 'yan."

Kumunot ang noo ni Xyvier samantalang wala naman akong reaksyon. I know, El. Kaya nga ako natatakot. Umiling na lang ako sa naisip at pinanood na makaalis si Eleny sa harap namin bago kami tumingin sa isa't isa.

"You are friends with Eleny Credo?" tanong ni Xyvier.

Nakatingin pa rin ako sa dinaanan ni Eleny at nakitang may mga kakilala na siyang nakasalubong kaya naman bumaling na ako kay Xyvier. "Yup, classmate noong highschool."

Tumango-tango lang si Xyvier kaya naman hindi na rin ako nakaimik. Parehas kaming naglalakad papunta sa isang couch ngayon. Natanaw ko ang couch kung saan puro Montefierro at isang hindi kilalang tao ang nandoon.

"Cy and Xy, here."

I saw Izrael Montefierro waving on us kaya naman niyaya ko na si Xyvier na maupo. Magkatapat lang ang upuan namin at sa gitna ay may nakalagay na lamesa kung saan puro ice bucket at stallion na case ang nakalagay.

Constantine, Izrael and Zed Montefierro is on the right side of the couch. Samantalang kaming dalawa naman ni Xyvier ang nasa kaliwa.

"Okay, unang baso para sa Saysay couple." sambit ni Constantine Montefierro at nilagyan kami ng baso sa harapan.

Napalingon ako kay Xyvier nang maramdaman ko ang pagtitig niya. Nakitaan ko sa kaniyang mata ang pagaalala. Bakit? At para saan?

"Ayos lang ba sayo?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Palagi kaming nagsusunog ng baga ng mga kaibigan ko kaya sanay na ako. "Yes. I'll be fine."

Tumango lang din siya at inagaw kaagad kay Zed Montefierro ang bote ng alak.

Humalakhak ang kaniyang kapatid na ipinagkalito ko naman. Why? Bakit sila natatawa?

"Ito namang si Xyvier, obsessed. Hindi naman sila!" Nagtawanan silang lima kasama na rin ang drummer ng kanilang banda na kanina'y tahimik lang sa isang gilid.

Kahit hindi ko ma-gets ay nanahimik na lang ako dahil nakikitaan ko na ng pagka-irita si Xyvier na mukhang konting kalabit na lang ay ihahampas na sa ulo ng kaniyang mga kapatid ang hawak niyang bote.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon