SS007: Pagtingin by Ben&Ben
Maaga akong gumising nitong sabado. Walang pasok kaya naman agad akong naghanda para sa unang date namin kuno ni Xyvier. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Talaga bang pinayagan ko siya sa gusto niya? Aish!
Pagtapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa harap ng cabinet ko at nilabas lahat ng pang-alis ko. Hindi ako makapili ng susuotin dahil halos lahat naman ay okay. Kaya sa huli ay pinili ko na lang suotin ang black crop top, ripped jeans at white tennis. Pinaliguan ko na rin ang sarili ko ng pabango.
Nagbaon na rin ako ng pulbo, cologne, tissue at extrang pera atsaka ko kinuha ang cellphone ko.
Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 8:30 pa naman ng umaga. Medyo matagal-tagal pa akong maghihintay dahil 9:00 AM ang usapan namin. Hindi naman ako excited 'di ba? Talagang maaga lang akong gumising. Oo, ganon nga.
Sa huli ay napagdesisyonan kong magluto muna para sa sarili ko ng pangkaraniwang kinakain ng mga Pilipino. Hotdog, sunny side up egg at fried rice.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang may kumatok sa pinto. Umangat ang tingin ko ron at inisip na baka nandiyan na nga si Xyvier. Agad akong tumayo at dumiretso sa pinto at nang buksan ko ay hindi naman ako nabigo.
Standing in front of me is Xyvier Montefierro with his jolly and a little bit kagaguhan aura. Nakasandal siya sa pinto na akala mo'y isang model na nakaharap sa camera.
"Hi," bati niya.
I smiled at him. "Hi."
Namula ang pisngi ni Xyvier sa hindi ko malamang dahilan at tumayo ng maayos. "Aalis na ba tayo?"
Dun lang ako natauhan. Oo nga pala, may lakad kami.
"Oo, sana. Pero kumakain pa ako, e. Ayos lang ba kung kumain muna ako?" nag-aalanganing tanong ko.
Mukha namang nagulat si Xyvier don at muntik pang mawala ang lakas ng dating dahil sa kaniyang porma pero kahit ganoon ay madali niya pa ring nadala ang sarili niya.
"Ayos lang naman. Walang problema." ngumiti siya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagpipigil ng kumakawalang ngiti at tumango. "Kumain ka na ba? Kain ka na lang din."
Maagap naman siyang umiling at iwinasiwas pa ang kaniyang kamay sa harapan ko. "Hindi na. Gusto ko kasing kumain kasama mo sa unang date natin pero dahil kumain ka na lang din dito, ayos lang."
Napaawang ang labi ko d'on. Talaga bang sinabi niya 'yon? Nakakahiya naman pala na kumain na ako agad. Sa huli'y tinanguan ko na lang siya at mas lalong nilakihan ang pagbukas ng pinto ng apartment.
Yumuko si Xyvier at akmang tatanggalin ang kaniyang sapatos nang pinigilan ko siya. Nakakahiya na hindi ko na nga siya nasabayan kumain para sa unang date namin tapos ganito pa?
"Hindi na. Pumasok ka na."
Umayos naman siya nang tayo at tuluyang pumasok. Habang iniikot ni Xyvier ang tingin niya sa maliit na apartment ko ay dumiretso na ako kaagad sa kusina upang tapusin ang kinakain ko. Halos mabulon-bulunan pa ako dahil sa pagmamadali.
"Ikaw lang ba mag-isa rito?" tanong niya habang nasa sala.
"Hindi. Kasama ko talaga rito si Mama pero umuwi siya sa tunay naming bahay. Malayo rito sa Manila." sagot ko habang umiinom ng tubig. Madali kong nilagay ang plato ko sa lababo at mabilis na nag-toothbrush. Hindi naman na umimik si Xyvier kaya naisip ko na baka naghihintay na siya d'on.
Pagtapos ay naabutan ko si Xyvier na may hawak na frame sa kaniyang kamay. Lumapit naman ako sa kaniya at nakitang ang unang litrato ko pala iyon na kumakanta sa R&D. My friend, Luella, had to frame it. She said that it's a remembrance noong umalis siya patungong ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...