SS005: KLWKN by Music Hero
Haggard na 'ko nang makarating ako sa address na binigay sa'kin ni Eleny. Medyo parang nahiya pa nga akong tumuloy kasi napakalaki ng bahay. Mansyon na yata 'to. Tsaka ang daming bisita, lahat naka-formal attire. Elite nga talaga 'to, no doubt.
Nang makalapit ako sa gate, kita ko agad na may mga guard. Hinarang din ako kaya 'di ako makapasok.
"Ma'am, patingin po ng invitation." Salubong agad sakin ng guard.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Wala naman akong invitation kasi tinext lang ako ni Eleny.
"Kuya, wala akong invitation kasi biglaan lang akong inimbita dito e. Kakanta sana ako," pagdadahilan ko.
"Nako, ma'am. Mahigpit kasi security namin dito e. Kailangan po talaga ng invitation."
Pinatabi muna nila ako kasi may mga dadaan pang guests. Sa malaking gate, pila-pila din 'yung mga sasakyan na pumapasok.
I sighed and tried to text Eleny again. Kanina pa kasi siya 'di nagrereply sakin e. Parang busy na. Kaya feeling ko 'di na rin niya ako matutulungan ngayon.
Mukha na akong palaboy na ewan na nandito lang sa gilid. Ang sakit na din ng likod ko kasi kanina ko pa buhat 'yung gitara ko. Nag-unat muna ako at binaba ang guitar bag ko. Pero laking gulat ko nang may humawak sa kamay ko at siya na din ang nag-buhat ng guitar bag ko. Hinila niya 'ko palapit sa gate at halos mapanganga na lang ako sa bilis ng pangyayare.
"Teka..." I swear to God, hindi ko kilala 'to...
"She's my friend." Sabi niya sa guard, "Ganito ba talaga kayo mag-trato ng guests dito?" Panenermon niya pa.
Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa taong 'to na hanggang ngayon ay hawak pa din ang kamay ko at sa guard na pinapagalitan niya.
"S-Sorry po, sir Jacob. Hindi po namin alam..." Nakayukong tugon naman ng guard.
The guy named Jacob exhaled a large amount of air. Like he's showing how disappointed he is.
"Save it. Ayusin niyo na lang trabaho niyo." Huli niyang sinabi bago ako hinila papasok.
Huminto kami nang medyo malayo na kami sa gate. Agad niya din namang inabot sa'kin ang gitara ko. A ghost of smile was plastered on his face, I can see it.
"What?" Ngisi niya sa'kin nang mapansin niyang natulala na lang ako sakanya. "Is that your way of saying thank you?"
Nang mahimasmasan ako mula sa pagkatulala sakanya ay tsaka lang ako nakapagpasalamat. Tumawa lang naman siya ng mahina bago ako tinanguan sabay lagay na ng dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya.
"No worries. Whether you're a gate crasher or not, I don't care. I just wanna witness some fun tonight." Aniya at tinagilid ang ulo bago ako nginitian ulit, "Feel free to mingle." Huli niyang sinabi bago na 'ko tinalikuran at kinawayan habang naglalakad na palayo.
Hindi ko ma-gets 'yung sinabi niya kaya wala na lang akong ibang nagawa kundi panoorin ang likod niyang unti-unti nang nawawala sa vision ko. He's somewhat familiar to me. Parang nakita ko na talaga siya somewhere.
Anyway, I need to atleast find someone who can help me para malaman ko kung paano ba 'ko makakapag-perform dito. 'Yun naman kasi talaga ang papel ko dito.
Naglakad-lakad ako para makahanap ng kahit staff man lang o ano. Kaso ang dami masyadong tao, pansin ko ngang may mga media pa. Ang daming mga photographers e, kaliwa't kanang camera nakikita ko.
"Ladies and gentlemen, Supremo at your service. I'm with my band named Major Kronos. Please do enjoy our music. And to my dearest brother, Robber... Happy birthday sa'yo, kuya."
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...