SS022

496 12 1
                                    

SS022: Ikaw Lang by Kiyo

Xyvier wasn't talking the whole time na nasa biyahe kami. Normal naman 'yon samin na tahimik sa biyahe, but this time, I can feel the tension. Isama mo pa 'yung alcohol sa sistema namin. Medyo nawawala talaga ako sa mood.

Nakahawak lang ako sa ulo ko dahil ramdam ko na ang pagkahilo ko habang nakasandal sa bintana ng sasakyan. I was shutting my eyes tightly at malalim din ang mga paghinga ko. I think now is the time to curse the damned alcohol.

Xyvier finally called me out in the middle of the ride. Tamad na nilingon ko siya and I saw how his jaw clenched kahit 'di siya nakatingin sakin.

"Are we okay?" tanong niya at lumingon na sakin saglit.

"Are we okay, what?" pag-gaya ko sakanya.

Napabuntong-hininga siya. Mukhang namromroblema. Napataas na lang ako ng kilay dahil 'di ko ma-gets ang inaakto niya. Wala lang naman ako sa mood ngayon dahil masakit na ang ulo ko, that's all... I guess.

He made a u-turn. Nagtaka ako dahil kanina ay tinatahak pa namin ang daan papunta sa apartment ko pero ngayon ay hindi na.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"I want you to stay at my apartment for tonight." seryosong ani niya.

My mouth hanged open. Kailan pa siya nagdesisyon ng ganito na hindi nagtatanong ng opinyon ko?

Kita kong nilingon niya ko na may nagaalalang ekspresyon.

"I know you misunderstood what just happened at the bar awhile ago." sambit niya.

"Misunderstood what?"

Alam kong wala nang sense mga pinagsasabi ko pero wala na kong pake. Tumatapang ako 'pag nakainom e.

"Mali ang iniisip mo tungkol samin ni Mazie."

Sumama lalo ang timpla ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Kinalimutan ko na nga tapos pinaalala niya pa. Great.

"Ano bang iniisip ko?" pagtataray ko at humarap na sa bintana.

"Cy..." tinawag niya ko dahil tinalikuran ko na siya.

'Di ako sumagot kaya narinig ko na naman ang buntong-hininga niya. 'Di na din nagtagal ay nakarating na kami sa harap ng apartment niya. Pagka-park niya pa lang ay ako na ang nagbukas ng pinto sa tabi ko. Napahinto pa siya nang makitang nakalabas na ko dahil malamang ay binalak niyang pagbuksan ako ng pinto.

Tinignan ko lang siya ng blangko saglit at nauna nang maglakad sakanya.

"Cy..." tawag niya ulit at hinabol ako.

Humawak siya sa kamay ko at hinayaan ko na lang. I don't wanna make this a big deal pero bad mood nga talaga ako. Hindi naman ako naghahanap ng away pero gusto kong maramdaman niya na hindi ako totally okay.

Umakyat kami ng hagdan na hawak niya pa din ang kamay ko. Walang nagsasalita saming dalawa pero ramdam ko ang pagtitig niya sakin.

Nang makarating sa harap ng pinto niya ay ginamit niya lang ang isang kamay niya para buksan ang pinto gamit ang susi. Ang isang kamay niya ay ayaw pa ding bumitaw sakin.

Agad naman akong dumiretso sa couch nang makapasok kami. Sumalampak ako d'on at pinikit ang mata ko. D'on ko na sinimulan na paulit-ulit na isumpa ang alak sa utak ko.

Saglit lang din ay naramdaman ko nang may umupo sa tabi ko. Binuksan ko ang isang mata ko para masilip siya at nakita kong nakapagtanggal na siya ng hoodie niya dahil black na tank top na lang ang suot niya ngayon.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon