SS014: More Than Words by Extreme
"Everything's here? Wala na bang nakalimutan?" tanong ni Xyvier pagkatapos niyang ilapag sa likod ng sasakyan niya ang huling bag na dadalhin ko.
Huminto ako saglit para mag-isip. Two bags lang naman ito at mga plastic bags ng ipapasalubong ko kay Mama at sa mga pinsan ko d'on sa probinsya. I gasped when I almost forgot. Naiwan ko pa pala sa loob ang gitara at Songwriter's Notebook ko! Plano ko 'yung dalhin sa probinsya kasi baka sakali na magka-mood na akong mag-compose.
"Wait." ani ko at nagmamadaling pumasok sa bahay para kunin ang mga nakalimutan.
Nang makalabas ay sinigurado ko nang naka-lock na ang pinto bago ako naglakad ulit palapit sa sasakyan. I saw how Xyvier smiled at me nang makita niya ang mga dala-dala ko.
"You plan on composing your song?" tanong niya habang tinutulungan akong ipasok ang gitara ko sa backseat.
"I'm hoping I could get into the mood. Kahit lyrics lang muna." ngiti ko at ipinatong na din d'on ang notebook.
Ipinulupot niya ang kanang braso niya sa bandang leeg ko at hinalikan ako sa noo.
"Let's go?" tanong niya.
Tumango ako at pinagbuksan niya na ko ng pinto. We're all set now. Medyo malayo nga lang ang biyahe kasi sa Bicol pa 'yon. But I know it will be all worth it.
Xyvier reminded me of my seatbelt bago niya na tuluyang pinaandar ang sasakyan. Kahapon, I made a playlist for him. Ngayon ay sinimulan ko na itong patugtugin dito sa sasakyan niya.
"That's the playlist you made for me, right?" tanong niya.
"Yes." tango ko at tumingin na sa bintana.
More Than Words by Extreme was playing. Hindi ko mapigilang sundan ito kasi isa iyon sa mga paboritong kanta ko.
Saying I love you
Is not the words I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say, but if you only knew
How easy it would be to show me how you feel
More than words is all you have to do to make it real
I felt him reached for my hand. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin kaya napalingon na ako sakanya.
"Do you even lack at something?" I joked.
Masyado na kasi siyang nagmumukhang perpekto sakin. Na parang lahat na lang ng bagay na ginagawa niya ay tama at malakas ang nagiging impact sa akin. Parang character sa libro o movie. He's just too good to be true.
Tumawa lang siya ng mahina bilang sagot bago pinisil ang kamay ko. I smiled and decided to just watch him kesa sa bintana ako nakadungaw.Nanatili lang naman siyang nagpapa-cute d'on wearing his boyish smile. Tsaka lang natanggal ang atensyon ko sakanya nang mag-vibrate ang phone ko at nakakita ako ng notification from our group chat sa screen ko. Agad kong binasa kung ano man 'yon.
Aaliyah: Guys
Aaliyah: Guess what our content will be
Aaliyah: Dali omg
Is she pertaining to her collaboration vlog with Zed?
Arie: Siguro magiging katulong ka niya for 24 hours??
Aeika: Omg omg don't tell me can't say no challenge 'yan? Ubos pera mo diyan dzai
Saffia: BAKA GAGAWA SILA SCANDAL HAHAHAHAHAHAHA
Natawa muna ako bago magtipa ng icha-chat ko. Nakita ko pang lumingon sakin si Xyvier nang marinig na tumawa ako pero nginitian ko lang siya at pinakita ang screen ng phone ko.
Me: Ano bang content niyo nga?
Luella: It better be good
Ilang segundo pa bago nakapagreply si Aaliyah. Hinimatay pa yata sa kilig ang gaga.
Aaliyah: Enebe meg-24 heers megjewe chellenge keme
Arie: Ano daw???
Saffia: Na-stroke na yata beh kaya naapektuhan na pananalita
Aeika: Tangina ang panget hahahahaha
Luella: 24 hours magjowa challenge?
Aaliyah: Oo pota 24 hours magjowa challenge mga hunghang
Natigilan ako d'on at halos 'di makapaniwala. Nakaramdam ako ng excitement at tuwa para sa bestfriend ko kasi syempre matagal niya nang crush si Zed.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...