SS010

588 20 1
                                    

SS010: Fools by Troye Sivan

Exam week ngayon sa school. Naging busy kami lahat kasi kailangang mag-review. Nakaka-pressure din lalo na sa mga grade conscious katulad ko. I'm partly a scholar, half ng tuition na binabayaran ko sa school ko is sagot na ng scholarship ko. And I also don't wanna lose my spot at the dean's lister because I've been there since first year college.

Dagdag din sa mga iniisip ko ang Mama ko na nasa probinsya ngayon. She texted me last night that she's sick and she needs money for her check-up and medications. Kailangan ko siyang padalahan kasi if not, walang ibang makakatulong kay Mama. Kaming dalawa na lang talaga ang magkakampi ngayon dito sa mundo. Aside from my school expenses, isa din sa reason bakit ko napiling mag-working student is para masuportahan ko si Mama.

"Cy, ilang araw ka nang missing in action, ha. Sama ka mamaya? Balak namin mag-mall. Chill lang para mabawasan pressure from the exams." Arie approached me habang nasa library ako.

I gave her a small smile at 'di ko naitago ang pagaalinlangan sa mga mata ko. I'm guilty na missing in action na nga ako. I'm studying, working and thinking about my mother for the past few days. I don't have any free time anymore.

"Cy, okay ka lang ba? Wala namang problema?" bakas sa mukha ni Arie ang pagaalala sakin. But I just gave her a genuine smile para matigil din iyon. Ayokong nagiging burden sa iba.

"I'm perfectly fine, Arie. I just wanna have good grades for this term kaya I'm taking the exams seriously." I answered and pat her shoulder bago ko na tinuon ulit ang atensyon ko sa binabasa kong libro.

"Matalino ka na, Cy. Come on, loosen up. Hindi mo kailangang pasanin ang mundo."

Nginitian ko siya ng tipid. I know she just wants to cheer me up. And lahat sila ayaw na nakikitang subsob ako sa pagaaral at pagttrabaho. They always say na I'm too young to take all the responsibilities. But... That's the reality. Nasa akin na lahat ng responsibilidad.

"I'm okay, Arie. After exam week, g na ako ulit sa lahat ng gala." I assured her.

She just sighed pero sa huli ay niyakap niya ako. Arie has always been the sweet type of friend. Siya 'yung tipong yumayakap o bumebeso sa'yo anytime or anywhere. Not to mention na kapag lasing siya, mas lalo siyang nagiging clingy samin.

"Just call when you need us, okay?" paalala niya bago na ko nginitian ng matamis at lumabas na ng library.

Sinundan ko siya ng tingin bago ako napabuntong-hininga. 'Di ko naman maipagkakaila na nakakaramdam na din ako ng pagod. And gusto ko din magpahinga at mag-chill kahit saglit lang. Kaso hindi 'yon ang gusto ng tadhana para sakin.

Nang matapos ko gawan ng reviewer 'yung libro na hawak ko ay tumayo na ko para ibalik ito sa shelf. Pagtapos n'on ay nagikot-ikot ako ulit para maghanap ng libro para sa isa ko namang subject.

I was busy scanning through the shelves nang may marinig ako mula sa kabilang aisle. Sa likod lang nitong shelf na tinitignan ko. It was a voice of a girl and a boy, medyo parang naglalandian sila na ewan. Basta ang tining ng boses nung babae na parang nagpapa-cute. Ang sakit sa tenga. Hahayaan ko na lang sana nang marinig ko ng mas malinaw 'yong boses ng lalake. It was familiar, so familiar...

For a moment, feeling ko nanlamig ako. Beads of cold sweat started forming on my forehead. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Sinasabi ng utak ko na tumalikod na lang ako at maglakad palayo but my heart says otherwise. Gusto ng puso ko na puntahan iyon para malaman ko ang totoo.

It was so hard to move for me pero nagawa ko din naman. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kabilang aisle and ny heart hurt when I realized na tama nga ako ng hinala.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon