SS027

513 18 1
                                    

SS027: Make You Feel My Love by Adelle

The next morning, mas nauna akong gumising kesa kay Xyvier. I have to run errands today. Umupo muna ako sa kama para maitali ang buhok ko. I smiled as I stared at Xyvier's peaceful sleeping face. I kissed his forehead before reaching for his shirt at the floor. Sinuot ko iyon dahil wala akong suot na pang-itaas ngayon bago na tumayo.

I'm sure na pagod na pagod 'yon dahil sa concert kahapon kaya hindi ko na siya guguluhin. Nag-coffee at tinapay lang ako for breakfast, pagkatapos ay naligo na at nagbihis ng pang-alis.

Tulog pa din si Xyvier nang umalis ako ng bahay. So I just texted him na kailangan kong magpadala ng pera kay Mama ngayon kaya umalis ako. Para 'di na niya ako hanapin pa 'pag nagising siya.

I did what I have to do. Nagpadala ako ng pera at agad na nag-text sa pinsan kong si Heavenly. Sinabi ko din sa text na sabihan niya ako agad 'pag tapos na 'yung check up para makatawag na ko.

After that, I decided to go to tita Ellita. Nag-chat siya sakin through messenger that she wants me to visit her.

"Pasok ka, Cyrelle." nakangiting bati niya sakin nang pagbuksan niya ko ng pinto.

Tumuloy ako at naupo sa couch sa sala niya. Napansin kong may wine sa table sa harap ng couch at ash tray na may madaming upos ng sigarilyo. Even the whole house was almost covered by cigarette's smoke.

"Salamat at pinuntahan mo ko." ngiti niya sakin.

"Wala po 'yon, tita." I replied.

Saglit siyang huminto at sumimsim sa wine glass niya. Kumuha siya ng isa pang sigarilyo sa isang buong kaha sa table at sinindihan iyon. Nagbuga siya ng usok at halos maubo ako d'on bago niya ako ulit nginitian.

"Nahihiya talaga ako, Cyrelle, pero wala na akong ibang choice. Wala na kasing gustong magpahiram sakin. Pwede mo ba kong pahiramin ng pera?"

Natigilan ako d'on pero pinilit kong 'di ipahalata iyon. It feels a bit odd being in this situation where the mother of your boyfriend is in front of you... asking you if she can borrow money.

Naalala ko din na kakapadala ko lang kay Mama ng pera. Actually, malaking halaga na ang pinadala ko dahil sinabi ko na bilihan na siya agad ng mga kulang sa maintenance niya at ng ire-reseta pa sakanya. I'm not expecting this. Medyo short na ko sa budget.

"Sure, tita. Pero maliit lang po mabibigay ko sa ngayon. Kakapadala ko lang po kasi sa Mama ko sa probinsya." I honestly said.

Tumango naman si tita Ellita. Pero 'di nakalampas sakin iyong reaksyon niya na parang na-disappoint siya. I suddenly felt down.

I gave her three thousand this time. Sabi niya kasi ay wala na siyang stock para sa pagkain at sa iba pang gastusin niya like bills. Halos wala nang natira sa wallet ko na pera. Sinabi ko lang sa sarili ko na maghahanap ako agad ng raket para makabawi.

"Maraming salamat, hija. Mag-ingat ka sa pag-uwi. Paki-kamusta na lang ako sa anak ko." kumaway si tita Ellita nang makalabas na ko ng pinto.

I smiled at her before walking away. Pasakay na ko ng jeep nang lumingon ako ulit sa bahay niya at nakita kong may lalake siyang pinapasok. Kumunot ang noo ko pero pinabayaan ko na lang. I just shrugged the thought away.

Nasa jeep ako nang ma-receive ko na ang text ni Heavenly na tapos na daw ang check up ni Mama. Agad akong tumawag sakanya.

"Kamusta si Mama?" bungad ko agad.

["Not really fine, Cy. Nanghihina si tita lagi, hindi na makapagkilos-kilos. Tapos medyo lumalabo na ang mga mata niya dahil sa high blood."]

I bit my lower lip after what I've heard. But I tried to be positive.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon