SS018

450 14 0
                                    

SS018: Huling Sandali by December Avenue

Matapos nang tahimik na pag-iyak ni Xyvier sa aking balikat ay nag-aya na siyang umuwi kaya naman lumabas na muna ako ng sasakyan upang tawagin ang kaniyang mga kapatid.

Natagpuan ko silang naka-tambay sa labas ng airport. Lahat sila ay parang mga tambay na may inaabangan na artista na dumating ng Pilipinas, nga lang, mga wala silang ayos. Ang iba naman ay umalis na daw para puntahan si Caius sa presinto.

Maraming dumaraan na napapatingin sa kanila dahil kahit pa ganun lang ang itsura nila ay talagang nakakahatak ng atensyon.

Lumapit na ako ng tuluyan at napaayos sila ng tayo.

"Okay na si kuya?" it was Frea who looks hesitant on asking me a question.

Nginitian ko siya at tinanguan, "Oo, ayos naman na. Nag-aaya na rin siyang umuwi."

Bumuntong hininga si Frea na para bang nakahinga siya ng maluwag. Mukhang sanay na rin silang hinahayaan si Xyvier na magsarili muna bago nila kausapin.

Ngayon ko lang din narealize na mukhang sanay si Xyvier na sinasarili lahat ng kanyang problema. Ganyan ba talaga siya? 'Yong tipong wala siyang maski isang sinasabihan kundi ang sarili niya? 'Yong wala siyang kahati sa sakit niyang dinaramdam kundi mismong siya?

I sighed. Nagsimula na rin nilang ayusin ang kanilang sarili at naglakad na papunta sa kani-kanilang kotse. Ngayon ko lang napansin na wala si Arie at si Aeika. Nagpaiwan ba sila?

Nilingon ko muna ang iba nilang kotse na parang nagbabaka-sakaling nando'n sila ngunit wala.

Wala rin si Rafael at si Supremo pero nakita kong nakasunod din sila sa kotse ni Yohan kanina kaya paanong wala na sila ngayon?

Naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Xyvier na may pagtataka. Napatingin ako sa kaniya at nando'n ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Cy, is there a problem?" ingat na ingat ang boses niya sa pagtatanong na para bang kapag may nasabi siyang mali ay agad kong pupunahin.

Winaglit ko muna sa isip ko ang tungkol sa mga nawala at ngumiti kay Xyvier, ayokong mag-alala siya pati sa akin, "Wala, Xy."

Lumakad palapit sa akin si Xyvier at niyakap ako. Bumaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib at hindi ko sinasadyang maamoy ang kaniyang pabango. Xyvier is a man, indeed. Kahit yata hindi na siya maligo ay mabango pa rin siya. Hindi ko naman mapigilang kiligin.

Talaga bang akin siya?

Ako na mismo ang humiwalay kay Xyvier at sinalubong ang kaniyang malamlam na mga mata. Hindi ko napigilang haplusin ang kaniyang pisngi. Naramdaman ko kaagad ang lambot n'on.

Naalala ko rin ang sampung dates na hindi natuloy. Ngayong malungkot siya, gusto ko talaga siyang pasayahin pero paano?

"If ever that something's bothering you, tell me, hm?" halos pabulong niyang ani.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. "Okay..."

Bumaba ang mukha sa akin ni Xyvier at bago pa man ako mapapikit ay narinig na namin ang isang tikhim. Halos mamula ang mukha ko at napapikit naman sa irita si Xyvier.

"Mamaya na 'yang porn. Uwi muna tayo." si Yohan.

D'on lang namin napansin na nanonood na rin pala sa amin ang iba pa nilang kapatid. May hawak pang camera ang iba na para bang isa itong eksena na matagal na nilang hinihintay.

Napalingon si Xyvier sa kanila at pinakitaan ng kaniyang middle finger. Halos hambalusin ko siya dahil d'on. Nasa public place kami!

"Mga ulol," mura niya.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon