SS029: Before It Sinks In by Moira Dela Torre
"Pwede ba kong makisuyo sa'yo, Idris?" I asked her with a small smile on my face.
Nilingon niya naman ako agad at mahinang tumango.
"Sure, what is it?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at lumapit sakanya. Saglit kong tinignan ang hanggang ngayon ay walang malay pa din na si Ethan.
"I think I can't come back here for the next days. I'm going to the province and I don't know when will I come back." pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Idris bago siya nginitian ulit, "Pwede bang 'wag mong susukuang bisitahin si Ethan hanggang sa magising siya?"
Idris' eyes became sad. Ilang sandali lang ay tumulo na ang mga luha niya. She broke down in front of me and all I can do was to hug her to give her comfort.
I may not be close to Ethan. I don't even remember if we ever had a conversation. Pero sa ilang araw na binantayan ko siya, sharing this white room with him and Idris... may namuo nang pag-asa sa puso ko na sana one day makita ko si Ethan na gising na. And I will always pray for that at night.
I bid my goodbye to Idris and also to the unconscious Ethan. I hailed a taxi when I got out of the hospital. Sinabi ko ang address ng bahay ni tita Ellita at agad naman akong nakarating d'on.
As usual, naabutan ko si tita Ellita sa labas ng bahay niya kasama ang mga kaibigan niya, nagsusugal habang naninigarilyo. Hindi niya ako pinapapunta dito this time, I went here on my own.
When she saw me, she just poured me a glance bago na ulit tinuon ang atensyon niya sa nilalaro. Mukhang kakaumpisa pa lang nila sa set na nilalaro nila ngayon at balak niya iyong tapusin bago ako pansinin. I remained there standing, awkward and silent.
I had to wait for thirty minutes before she finally stood up from her seat and told her friends that she'll come back.
"Pasok tayo sa bahay, hija." aniya at agad akong tinalikuran.
Ramdam ko na habang tumatagal ay nagiging iba na ang pakikitungo sakin ng nanay ni Xyvier. I don't have any clue why. But I'm not in the right position to ask or even complain. Kaya hinahayaan ko na lang.
"Anong pinunta mo dito, hija?" tanong niya nang makaupo kami sa couch.
Kumuha siya ng panibagong stick ng sigarilyo sa kaha at sinindihan tulad ng parati niyang ginagawa.
"Wala naman po, tita. Gusto ko lang pong bisitahin ka bago ako pumunta ng probinsya." I tried my best to smile.
Pilit siyang ngumiti sakin bago nagbuga ng usok.
"Pagkatapos ng isang beses, ni minsan hindi mo na nadala dito ang anak ko." mapait na tugon niya.
My shoulders fell. I wasn't expecting her to say that. Hindi ako nakasagot.
"Kaya ako nakikitungo ng maayos sa'yo kasi akala ko kakampi kita. Pero siguro sinasadya mo na ding ilayo ang damdamin ng anak ko sakin."
Agad akong napailing, "Tita, hindi po," napahinto ako at pilit naghanap ng mga salitang totoo pero hindi makakasakit ng damdamin niya, "Hindi pa lang po handa si Xy ngayon..."
I can't directly say na hindi lang talaga siya gustong puntahan o makita ng anak niya. Hindi ko masabi kung gaano kasama ang loob ng anak niya sakanya. At hindi ko kailanman pipilitin si Xyvier sa bagay na hindi niya gusto. Tama nang ipakita ko kay Xyvier ang bawat anggulo ng sitwasyon pero hindi ko ipipilit na gawin niya ang hindi niya pa kaya.
"Buti pa si Mazie." sambit niya at tinagilid ang ulo niya.
I froze. Feeling ko nalaglag ang puso ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Nakaramdam ako ng sakit nang ikumpara ako sa taong katulad ni Mazie. Slowly, na-i-intimidate na ko sa kagaya niya.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...