SS017: Safe & Sound by Taylor Swift ft. The Civil Wars
Kinabukasan ay maaga kaming gumising lahat. Xyvier made me sleep in their mansion. Aniya'y masiyado nang gabi kung bibyahe pa kami papunta sa aking apartment. Pumayag naman ako.
Ngayon ang araw ng pag-alis ni Jacob papuntang probinsiya. Iyon ang hatol sa kaniya ng kanilang ama kagabi at kahit pa alam kong napipilitan lang siya ay alam kong sinunod niya na lang din 'yon para hindi na lumaki pa ang problema.
Lahat sila ay pagod na pagod kagabi. Even Xyvier, kahit alam kong hindi siya magsabi ay pakiramdam ko ay nabibigatan pa rin siya at nasasaktan sa nangyari.
Nauna akong nagising sa kaniya at ngayon ay pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog. Xyvier looks peacefully sleeping ngunit alam kong hanggang pagtulog niya ay ginugulo pa rin siya ng kaniyang problema. Nagising pa kasi ako kagabi na binabangungot siya kaya naman buong gabi ko siyang yakap yakap.
Bumuntong hininga ako at tuluyan nang bumangon. Plano ko kasing tumulong sa mga katulong nila na maghanda ng mga pagkain. Pagbaba ko ng kwarto ni Xyvier ay marami na akong kawaksi nilang nakakasalubong. Ang iba'y bumabati pa sa akin kaya naman ngingitian ko lang sila.
Malaki ang kanilang mansiyon at kung hindi ka sasabay sa agos ng mga tao sa bahay na ito ay baka malito ka at maligaw.
Habang naglalakad ako papunta sa kanilang kusina ay hindi ko napipigilang humanga sa disenyo ng kanilang bahay pati na rin ang mga appliances nito. Mayroon pa akong nakitang picture frame nila kung saan nakaupo sa isang malaking upuan si Leviathan Montefierro at naka-dekwatro habang ang mga anak niya'y naka-palibot sa kaniya sa likod. Lahat sila'y seryosong nakatitig sa camera at parang nakikipagtagisan pa ng tingin.
Ilang saglit pa'y nakaabot na ako sa kanilang kusina at nakitang busyng busy ang lahat sa pag-aayos. Agad naman akong lumapit do'n at sinubukang makitulong sa paghahanda.
"Hala, Ma'am Cyrelle, okay na po kami rito. Baka magalit pa sa amin si Sir Xyvier..." nag-aalalang sabi ng isang babae na hula ko'y mayordoma ng kanilang mansiyon.
"Hindi na po. Okay lang. Gusto ko talagang tumulong." nginitian ko siya.
Naiintindihan ko naman ang concern niyang baka magalit si Xyvier pero bisita ako rito at nasa ibang bahay ako. Hindi naman ako pinalaki ni Mama na maging senyo-senyora kapag nasa ibang bahay ako.
Sa huli ay pumayag na rin ang mayordoma na tulungan ko sila sa paghahanda. Habang ginagawa iyon ay pumasok na rin sa kusina sina Aeika at Arie at tumulong na rin sa akin.
Nang handa na ang lahat ay doon na ang pagpasok ng mga magkakapatid kasama si Mr. Leviathan Montefierro. Ang iba sa kanila'y pupungas pungas pa at mukhang kagigising lang. Samantalang, mukhang papasok naman na sa trabaho ang iba nilang kapatid.
Si Jacob ay may dala pang bag at maleta. Mukhang handang handa na siyang umalis ng mansiyon nila. And it seems like, sanay na silang ganito. Baka iniisip lang nila na magbabakasyon ang kanilang kapatid kahit pa alam nilang posibleng hindi na ito bumalik.
Agad na lumapit sa akin si Xyvier at humalik sa buhok ko. Halos mamula naman ako sa ginawa niya.
"Good morning," he whispered.
Pinaghila niya ako ng upuan at tuluyan na kaming na-upo. Tahimik lang silang lahat na kumakain. Malayong malayo sa normal na ugali ng mga Montefierro kapag nakakasama namin.
Ngayon ko lang din napansin na kulang sila. Wala si Frea at si Caius ngunit hindi ko pa man iyon napupuna ay nakarinig na kami ng tunog ng sirena mula sa sasakyan ng mga pulis.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...