SS015

518 16 3
                                    

SS015: Captivated by IV of Spades

Xyvier entered the room wearing a grey tank top and black sweatshorts. May towel pa na nakalagay sa ulo niya at abala siya sa pagpapatuyo ng buhok. Kakagaling niya lang sa pagligo.

He closed the door behind him and went towards the drawer. Naghanap ng pabango at nag-spray ng konti.

Pinanood ko lang naman siya hanggang matapos siyang maglagay ng pabango at binalik na ulit ang atensyon ko sa sinusulat kong lyrics ng kanta sa notebook ko.

"Busy?" tanong niya bago umupo sa edge ng kama malapit sakin.

Sumilip siya sa sinusulat ko pero agad ko itong nilayo sakanya.

"Not now. Ang crappy pa." nahihiyang sambit ko.

Ngumisi lang naman siya at inabot ang cellphone niya na nakapatong sa maliit na table sa tabi ng kama. Maybe he planned on not disturbing me this time kaya nakahinga na ako d'on ng maluwag.

Bumalik na ko sa pagsusulat habang busy siya na nakatutok sa phone niya. Ngunit wala pang ilang minuto ay walang pasabi niyang inagaw sakin ang notebook ko. Tumayo siya at tinaas ang kamay niya habang binabasa iyon. Sinubukan kong kunin pero hindi ko talaga maabot kahit tumalon-talon pa ko dahil obviously mas matangkad siya sakin.

"You're the one that I want to be with, never wanna be separated, I'm captivated..." basa niya sa mga nasulat kong liriko at tinignan ako ng may makahulugang ngiti.

Sinamaan ko naman agad siya ng tingin at humalukipkip sa harap niya. Kahit kailan talaga napaka-epal ng isang 'to.

"Galit ka na?"

Binaba niya na ang pagkakahawak niya sa notebook pero sinigurado niyang nakatago ito sa likod niya kaya hindi ko pa din magawang makuha.

"Give it back." matigas na sabi ko.

"Why? Maganda naman ha." aniya at binasa ulit ang kasunod, "Everyone says you're complicated, everyday you're my most awaited, oh, I'm captivated..."

"Xyvier!" sigaw ko na.

Lakas mang-asar nito, 'pag ako na-badtrip babawian ko 'to.

"Ako ba iniisip mo habang sinusulat mo 'to?" nagtaas-baba pa siya ng kilay habang nakangiti na parang timang sa harap ko.

"Hindi. Iniisip ko niyan 'yung crush ko." tinaasan ko siya ng kilay at nginitian na parang nang-aasar.

Gusto niya pala ng asaran ha? Sige, pagbibigyan ko siya.

Agad naman siyang sumimangot at kitang-kita pa ang pagsalubong ng dalawang kilay niya.

"Sinong crush?" halatang pikon agad na tanong niya.

"Crush ko sa school, bago pa kita nakilala."

I stucked my tongue out at him before snatching my notebook from his hands. Agad akong tumakbo papunta sa pintuan at bago pa man ako tuluyang makalabas ay tinignan ko siya ulit ng mapang-asar.

"Mas gwapo pa 'yon kesa sa'yo." huli kong sinabi na mas ikinabusangot ng mukha niya.

I flashed him my victorious smile bago na tuluyan naglakad palabas. Tumawa pa ko na parang demonyitang inasinan na sinigurado kong maririnig niya hanggang d'on sa loob ng kwarto.

Agad akong dumiretso sa labas ng bahay at naupo sa may duyan. D'on ko tinuloy ang pagsusulat ko. Hindi kasi pwedeng ihinto ko kasi bumabaha na ang mga ideas at words sa utak ko ngayon. Sayang naman kung hindi ko masusulat.

And yes, siya ang iniisip ko habang sinusulat ko 'to. This must be my first song for him. And I'm so inspired to write this at this moment kaya masasapak ko talaga siya 'pag naki-epal pa siya ulit.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon