SS026: Midnight Sky by Unique Salonga
I woke up at eight o'clock in the morning. Wala na si Xyvier sa tabi ko at nag-iwan na lang siya ng sticky note sa side table. It says that he already left earlier because they need to do a lot of preparations for the debut concert, and their manager also instructed them to go at the venue at 6AM sharp. Sana ginising niya na lang ako. Pero alam ko namang 'di niya gagawin 'yon dahil mas gugustuhin niyang makapagpahinga ako ng matagal kesa guluhin ang pagtulog ko.
Bumangon na ko at nagluto. I should pack his lunch for him atleast, siguradong pagdating ko d'on ay pagod at gutom na 'yon. Naligo na ko pagkatapos at nagsuot ng simpleng yellow mustard statement shirt, then I tucked it in through my mom jeans. I tied my hair in a messy bun at sinuot na ang converse shoes ko. I made sure I'll be comfortable with my clothes for today, dahil alam kong mamaya sa concert ay makiki-cheer ako ng todo. Plus the fact na madaming tao d'on at magiging siksikan.
Pagkalabas ko ng bahay ay saktong dumating ang sasakyan ni Zed. Bumaba d'on si Aaliyah at sinalubong ako ng beso. Nanatili si Zed sa loob ng driver's seat at nagbaba na lang ng bintana para kawayan ako.
"You know I can't believe that this is happening, right? I mean, we'll finally get to see The Mythicals at their debut concert. Parang kahapon lang nung nagsisimula pa lang sila." she beamed.
"Aal, nakabantay ka ba sakanila mula nung kakabuo pa lang ng banda niya?" I asked.
She rolled her eyes at me, "Duh, yes."
Nauna na siyang pumasok ulit ng sasakyan at naiwan na lang akong amused. Ako lang pala talaga 'yung late nang nakakilala sa banda ni Xyvier.
"Tara na, Cy. Sabi mo dadaan pa tayo sa school kasi may ipapasa kang requirements, right?" silip ni Aaliyah sa bintana.
D'on lang ako natauhan at nagmadali nang pumasok sa sasakyan. Good thing it's already sembreak mula pa last week. May mga kailangan lang kaming ipasang final requirements. Hinatid naman ako nila Zed sa school. Hihintayin na lang daw nila ako sa parking lot dahil sabi ko ay mabilis lang naman akong makakapagpasa.
Dumiretso agad ako sa professor ko at mabilis niya namang tinanggap ang pinasa ko. Pagkatapos n'on ay nagmadali na kong bumalik ng parking lot. Nadaanan ko ang field at napahinto ako nang may makitang pamilyar na tao. It was Mazie with her friends. I didn't know she's studying here.
"Look what we got here." tinignan ako ni Mazie mula ulo hanggang paa. Judgment was obviously visible in her eyes, "Finally got to meet you again, Cyrelle."
I tried my best not to roll my eyes. She's like a typical trying hard mean girl. Samahan pa ng dalawa niyang kaibigan sa magkabilang gilid niya na for sure ay ang pagiging mga alalay niya ang role.
"What is it, Mazie?" tanong ko na dahil wala akong balak magsayang ng oras ko dito.
"Hindi magtatagal sa'yo si Xyvier."
I looked at her blankly as if I'm already bored.
"Tapos? 'Yun lang ba sasabihin mo?" I smiled at her sarcastically. As if her words will shake me.
Nakita kong naasar agad siya sakin. Which made my smile even wider.
"You don't have what it takes to be with him, Cyrelle. I'm warning you. You can't be with him."
She looked so serious but I will not take her seriously. Nginitian ko na lang siya bago na siya nilampasan. I stopped when I'm already three steps away from her at nilingon siya.
"Watch me." sinabi ko iyon ng madiin bago na siya tinalikuran at tuluyan nang naglakad palayo.
Saktong lunch break nila nang makarating kami nila Aaliyah at Zed sa Araneta. They were already practicing their stage performance. Inilapag ko na agad sa lamesa nila sa loob ng dressing room ang mga pagkaing hinanda ko para kay Xyvier. Kita ko naman ang mga titig ng mga ka-banda niya.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomansaMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...