SS006: Moonlight by Ariana Grande
"I wanna say thank you for coming here tonight. Enjoy."
Robber Gyrus Montefierro's speech as the birthday celebrant was short and plain as that. Ni hindi niya din nakuhang ngumiti man lang bago siya bumaba ng stage. However, nagsipalakpakan pa din ang lahat. Ang mga media ay hindi magkandaugaga sa pagkuha ng litrato sa panganay ng mga Montefierro. Ngayon lang yata siya nagpakita sa publiko kaya talagang kinuha na ng mga media ang opportunity na ma-cover ang napakaimportanteng event na 'to.
"From what I've heard, all the twenty Montefierro siblings are here tonight." Luella gossiped before sipping on her champagne.
Nagkatinginan naman kami ni Arie d'on.
"Edi malaki ang chance na nandito si Ethan? Parang gusto ko na lang umuwi." Arie said.
Nakita ko kung gaano nga siya nagaalala na baka nga mangyareng makasalubong niya si Ethan dito. He ghosted her. Sinong matinong tao ang gugustuhing makita pa 'yung taong nag-ghost sakanya 'di ba?
"Restroom lang ako." paalam ni Arie pagtapos niyang maubos ang wine sa wine glass niya.
Tatlo lang kami nila Luella at Arie ang nandito sa table namin. Kakatapos lang ng performance namin ng The Mythicals at dito na ko dumiretso agad pagkatapos. Ngayon ay may ibang banda nang tumutugtog sa harap. Humiwalay na din ako kila Xyvier kaya 'di ko na alam kung asan sila ngayon.
"I saw how you looked at Xyvier when you had your duet." Luella eyed me.
Napalunok naman ako d'on.
"Ha?" I tried to sound innocent as possible. Kahit naman ako, 'di ko alam kung bakit ko ginawa 'yon.
"I already took a video of it and sent it to our group chat. The girls are going crazy about it. What's with you and that bassist?" nilapit niya pa ang upuan niya sa akin, na parang umaasa na may makukuha siyang kung anong chismis galing sakin.
But I tried my best to dodge her question of course.
"Anong sabi nila Aeika sa group chat?" tanong ko at sumimsim na lang sa wine ko.
Bumusangot naman ang mukha ni Luella nang ma-realize niyang wala siyang makukuha sakin.
"They're asking the same thing!" iritang sagot niya at nag-roll eyes pa.
Natawa na lang ako. Lumalabas talaga ang pagka-spoiled brat ni Luella minsan. Lalo na 'pag 'di niya nakukuha ang gusto niya.
Sa huli ay napilitan akong magbukas ng phone ko para magbasa sa group chat namin. Nireplyan ko na sila Aeika dahil mukhang mababaliw na sila 'pag 'di ko pa sila nakwentuhan tungkol sa video na 'yon. First of all, 'yung makita lang nilang nasa iisang stage kami nila Xyvier at sabay tumutugtog ay talagang ikinagulat na nila.
I was in the middle of typing my reply to Aaliyah's chat when suddenly a commotion happened. Agad kaming napatayo ni Luella nang may marinig kaming parang nabasag mula sa 'di kalayuan. Kahit ang ibang tao ay nagulat at napatayo na din. Hindi naman sa chismosa kami pero parang gan'on na nga. Naglakad kami papunta sa kung saan nagkukumpulan ang mga tao.
Kinailangan pa naming makipagsiksikan ni Luella para lang marating ang gitna dahil napapalibutan na ng mga tao ang eksenang dahilan ng kaguluhan. When I finally got to see what was really happening, my hands automatically flew to my mouth. My eyes widened in shock.
Si Ethan iyon na nakasalampak na sa sahig habang sa ibabaw niya ay si Supremo na nakakapit sa kwelyo niya at walang tigil ang pagsuntok sakanya. Sa gilid nila ay si Arie na umiiyak na.
BINABASA MO ANG
Sad Song (Montefierro Series #1)
RomanceMONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Although she needs to work hard at a young age, it doesn't hinder her for being a strong person. She's...