SS023

491 15 0
                                    

SS023: Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

Medyo natagalan pa ako sa bahay nila Xyvier at hindi ko namalayang mag-ga-gabi na. Agad na akong nagpaalam kay tita Ellita at nakitang ilang texts at tawag na ang natatanggap ko mula kay Xyvier.

Naghanap muna ako ng taxi na masasakyan bago ko tinignan lahat ng texts niya.
    
    

Mi cielo: I missed you. Kahit saglit pa lang tayo nagkahiwalay, miss na kita agad. :(  
      
  

Natawa naman ako sa message niyang ito. Mukhang kanina pa niya iyon sinend. Nag-scroll ako at marami-rami pa siyang tinext.
   
   

Mi cielo: Magpapasundo ka ba?
   
   

Ito naman ay kani-kanina lang. Mukhang kabisado na rin niya ang schedule ko. Sabagay, nagpalitan kasi kami ng scheds para daw kung magkaro'n kami ng konting time gap na magiging kumplikado para sa amin ay mag-aadjust kami sa isa't isa.
    
  

Mi cielo: I love you, mi cielo. Only you.
   
   

Hindi ko pa rin napigilan ang kilig hanggang sa nakarating ako ng Revel that is located at Uptown BGC. Agad kong inabot ang bayad ko sa driver at bumaba.

Nasa labas pa lang ako ng building ay kita ko na agad ang bold letterings na may neon lights sa word na REVEL.

Agad na akong naglakad papuntang entrance. Mabuti na lang talaga at hindi ni-require sa amin na magkaroon ng uniform ngayon dahil baka pauwiin lang ako imbes na makapag-enjoy pa ako.

Pagpasok ko ng bar ay sumalubong sa akin ang iba't ibang elites na nakikita ko lang sa mga socmed at elite bars like R&D and Route 196.

I made my way through the crowd and try to communicate with my friends through chat. Sabi rin kasi nila ay pupunta din sila dito upang manood ng gig ni Xyvier.
   

Me: Where art thou?
   

Agad naman silang nagreply at hindi na ako nahirapang hanapin ang lamesang pinwestuhan nila. Puno ng iba't ibang elites ang lamesa namin. Mukhang kakilala lang din nila. Talaga nga namang malawak ang circle of friends namin.

"Cyrelle!" Arie beamed.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa akin. Bineso niya ako kaya naman napangiti ako. She's really sweet and clingy.

"Saan ka pala galing? Hinahanap ka ni Xyvier sa amin kanina, akala niya magkakasama tayo." saad niya nang makaupo na kami sa couch.

Busy pang i-entertain ng iba naming kaibigan ang mga taong nakikihalubilo sa lamesa namin. Meron ding drinks na naka-serve. Mukhang kanina pa iyon. Sabagay, anong oras na rin.

"May dinaanan lang. Asan na siya?" tanong ko at kumuha ng San Mig Light. Ayoko munang maglasing ngayon. Full-time girlfriend muna ako ngayon ni Xyvier.

May mga ilang bumabati rin sa akin at kay Arie pero nasa akin pa rin ang kaniyang atensyon.

"And'on, umalis na. Naghahanda na raw kasi sila para sa set nila." sabi niya.

Tumango naman ako at mabuti na din na nasa harapang upuan ako para mas lalo kong makita ang performance nila. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin ang emcee ng gabing ito at nag-announce na.

"Good evening, Ladies and Gentlemen. We are proud to present the new rising star band, The Mythicals!"

Nagsilabasan na sina Xyvier mula sa backstage at naguumapaw na ang palakpakan at tilian mula sa audience. Nakarinig pa ako ng ilang side comments na mula sa mga tao na nagsasabing sina Xyvier ang panibagong bandang umaangat na agad this year kahit pa nagsisimula pa lang.

Sad Song (Montefierro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon