Inayos ko ang strap ng aking bag habang papasok sa Campus. Halos tumakbo na ako dahil ilang minuto na akong late para sa unang klase. Terror pa naman ang prof namin sa subject kong iyon.
"Shit!" napamura ako nang may makabanggaan sa kalagitnaan ng pagmamadali.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad kaya lang ay may biglang humila nang marahas sa braso ko. Napaharap ako sakanila at nakita ko ang mga kilay nilang nakataas sa akin.
"Olivia pwedeng mamaya niyo nalang ako tarayan. Malelate lang ako lalo. Salamat." tinanggal ko na ang kamay niya kaya lang ay hinila niya naman ang buhok ko.
Nagtawanan naman yung dalawang alipores niya na kulang nalang ay wig para magmukha na talagang clown.
"Getting brave, huh? Tandaan mo ito Everleigh. Basura ka lang dito. Suot mo man ang unipormeng para sa aming mayayaman, umaalingasaw pa rin ang baho ng pinanggalingan mong squatter." binitawan niya na ako at nagsimula na silang maglakad palayo.
Typical entitled rich kids. Akala mo ay ang pera nila ang nagpapaikot sa mundo kaya pwede nilang gawin kung ano man ang gusto nila.
"Mayaman kayo diba?" napahinto sila sa paglalakad. "Why do you like playing with a trash like me, then? Hindi ba kayo napapasaya ng mga pera niyo kaya ako ang pinagdidiskitahan niyo? Kawawa naman pala kayo." ngumiti ako sakanila at nagpatuloy na sa paglalakad.
Narinig ko pa ang mga bwisit na litanya nila sa akin but I couldn't care less. First time kong malate at hindi pwede 'yon dahil pinaghihirapan ko ang grades ko para mapanatili ang scholarship.
Nang makarating ako sa tapat ng classroom ay nakita kong nakatalikod na nagsusulat ang Prof kaya naman pasimple akong pumasok. Dahan dahan at nag-iingat ang bawat hakbang ko.
"Ms. Villanueva you are 10 minutes early for your next class." Naku po!
Lumingon ako sa Prof ko nang dahan dahan at nginitian siya.
"Goodmorning Sir! Sorry po at natraffic po ako." palusot ko sakanya.
"Saan ka natraffic? Sa paglalakad? Huwag mo nga akong pinaglololoko Ms. Villanueva." tila nagtitimping sabi ni Sir.
Malapit lang kasi ang tinutuluyan ko mula dito sa Univ. at hindi naman traffic ang dahilan kung bakit ako nahuli sa klase. Yung bagong trabahong pinapasukan ko kasi ay umabot ng ala sais ng umaga at dahil hindi ako nakapag dala ng uniporme ay umuwi pa ako para doon. Wala pa nga akong tulog simula kahapon.
"Sorry po, Sir." nakayukong sabi ko.
"This will be the last time na malelate ka sa klase ko because the next time na mangyari ulit ito idadrop na kita! Scholar kapa naman hindi mo ayusin." galit niya akong tinignan bago nagpatuloy sa ginagawa.
Umupo nalang ako sa tabi ni Grace na nakatingin sa akin na parang naaawa kaya inirapan ko nalang siya.
"Bakit naman kasi yun pa napili mong palusot? Dapat ay sinabi mo nalang ang totoo. Napag-initan kapa tuloy." sabi ni Grace nang makaalis na si Sir Gomez.
"Hayaan mo na may dalaw lang siguro yun. Pakopya na nga lang ng notes mo."
Grace and I are freshmen and are currently in our last sem as BS Pharmacy students here at the 'University for the rich' as I'd like to call it. Isa ito sa pinaka kilalang Unibersidad dito sa Angeles dahil sa kalidad ng pagtuturo at ang mahal na tuition fee. Kung ang iba, kagaya ni Grace, ay nakapasok dito dahil sa pribilehiyo, ako naman ay nakapasok dahil sa sariling pagsisikap. Hindi naman kasalanan ng mga tulad ni Grace na ipinanganak silang mayaman kaya lang hindi ko maiwasang mainggit minsan.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...