8

258 54 572
                                    

It has been days since the incident at the mansion.


Pagkatapos mag walk out ni Mikhail ay umalis na rin si Sir Augustus at Tita Helen sa hapag kainan. Kami namang mga tagapagsilbi ay sinabihan na walang makakalabas sa kung ano man ang mga narinig namin.


It's been days but I still can't get it out of my system.


Patay na ang Knight sa mundong 'to.


Bigla kong naalala ang naging usapan namin dati ni Liam.


"Patay na. Kaya malaya akong nakakapunta dito kasi patay na ang Liam sa mundong ito." walang emosyong sabi niya.

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

"Ibig sabihin ba niyan mamamatay ka rin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Bumuntong hininga siya.

"Maraming posibilidad Eve. Maaaring mamatay ako kagaya niya pero maaari ring mabuhay ako."


Ibig sabihin may posibilidad din na mamatay si Knight sa mundong iyon?

I became paranoid dahil sa naisip ko. I suddenly want to go there para masiguro kong ayos lang si Knight.


Ang dami na namang katanungang pumasok sa isip ko.

But the one that keeps on bugging me is that why did he die?

What happened two years ago?

"Earth to Eve hello?" naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Grace.

"H-ha?" napakurap ako.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Ang sabi ko hindi ka na yata tinatarayan ni Olivia? Dati tuwing dadaan kapa lang ready to rumble na agad siya samantalang ngayon parang wala na siyang pakealam sa'yo."

Napatingin naman ako kay Olivia. Nakangiti ito habang kausap ang mga alipores niya.

Something about her changed.

"Baka narealize niya lang na walang kwentang awain ako dahil lang sa isang lalaki." kibit balikat ko.

"Hindi. There's something about her na hindi ko ma point out." napatingin siya sa likod ko. "Why don't we test it?"

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Hi Eve." Robin said.

"Hey." I smiled at him.

"Robin samahan mo nga si Eve bibili daw siya ng pizza." masiglang sabi ni Grace habang nililingon pa si Olivia.

Pinanlakihan ko siya ng mata. I know what she is planning to do.

"Sure. Tara Eve." niyaya na ako ni Robin kaya wala na akong nagawa.

Ipagdasal niya lang na wala akong sabunot na matatanggap mamaya kung hindi naku!

Para akong lumulutang habang naglalakad kami sa gilid nila Olivia. Kumunot naman ang noo ko nang makitang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Samantalang dati ay halos patayin niya na ako sa tingin.

Nag-order nalang kami ng pizza ni Robin tutal ay nandito naman na. Sabi ko ay ako na ang magbabayad kaya lang ay naunahan niya ako.

"Thanks." sabi ko habang naglalakad kami pabalik kay Grace.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon