34

172 29 998
                                    

Hope.


Hold on, pain ends.


What if you don't want it to end because for you, the end is the thing that will cause you pain?


"Cheers dahil hindi na KJ si boss Knight!" anunsyo ni Kevin habang nakataas ang baso niya na may lamang alak.


Natawa kaming lahat pero tinaas pa rin namin ang mga basong hawak. At dahil hindi na nga KJ si Knight, nagtaas din siya ng baso niya.


"Pucha isang tumataginting na Everleigh Villalobos lang pala ang katapat ni boss Knight." malakas na sabi ni Kevin kaya nagtawanan ang lahat.


"Villalobos who?" kunot noong tanong ni Olivia "Ang tagal mo nang kasama si Eve pero Villalobos ang alam mong apelyido niya? It's Villanueva! O baka naman apelyido 'yan ng babae mo?" inis na litanya ni Olivia kay Kevin.


"Sorry na, babe. Wala akong ibang babae. Alam mo namang ikaw lang ang tender sa juicy ko." tinaas-baba niya pa ang kilay niya kaya naka-tanggap siya ng hampas.


"Pucha huwag ka dito magkalat itlog. Mahiya ka sa mga kasama natin." bulyaw ni Ivan habang naka-akbay kay Grace na mahinhin lang na tumatawa.


Napa-tingin ako sa paligid. Nandito kami ngayon sa resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Ivan.


Malapit na kasi ang pasukan kaya napag-desisyunan naming mag-bonding.


For the last time.


Nandito halos lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko dito sa mundong 'to. Nandito sila Kevin, ang kambal, Si Tita Helen at Tito Agustus na tahimik pero masayang nakaupo sa gilid. Nagka-usap na sila ni Knight at mukhang unti-unti na rin silang nagkaka-ayos.


Isang linggo na magmula nang makatakas si Enriquez.


Isang linggo na lang rin ako dito sa mundong 'to.


Sayang nga at wala si Liam. Hindi ko pa siya nakikita simula nang mapunta ako dito. Napabaling ang atensyon ko kay Knight nang maramdaman kong hinapit niya pa lalo ako palapit sa kaniya.


"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.


Nilagok ko 'yong alak na nasa baso ko bago tumayo. Naguguluhan man sila sa ginawa ko ay tumahimik pa rin sila para pakinggan kung ano man ang sasabihin ko.


"May gusto lang po sana akong sabihin sa inyo. Pangkalahatan na lang kasi baka abutin po tayo ng gabi kapag inisa-isa ko pa kayo." panimula ko kaya nagtawanan ang lahat.


"Gusto ko 'yan! LSS ba 'yan, Eve?" hirit ni Kevin.


"It's LSM Kuya Kev. Long sweet message." pagtatama ni Lily sa kaniya.


Nagtawanan na naman ang lahat.


Gusto ko sanang sabihin na mami-miss ko 'to kaya lang paano naman mangyayari 'yon kung makakalimutan ko rin naman lahat ng 'to?


Naramdaman kong hinawakan ni Knight ang kamay ko at pinisil 'yon nang marahan.


"Gusto ko lang pong magpasalamat kasi naging parte kayong lahat ng buhay ko. Marami man pong magbabago sa mga susunod na araw pero hindi po magbabago 'yong mga aral na natutunan ko habang kasama ko kayo." huminto ako saglit para mapigilan ang pagnginig ng boses ko.


We can just hope for good things to last forever.


"Bakit parang last sad message naman 'yang sinasabi mo, Eve. Ano ba 'yan!" sabi ni Olivia habang nagpupunas ng luha.


To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon