17

230 44 644
                                    

"Konektado ang lahat, Eve. Kailangan mo lang malaman ang dahilan kung bakit nangyayari sa iyo 'yan bago mahuli ang lahat."

Ilang oras na magmula noong nag-usap kami ni Liam at umalis siya pero paulit-ulit pa rin 'yang pumapasok sa isip ko.

Nalaman ko na ang dahilan kung bakit ako nandito sa sitwasyong 'to.

Mamamatay si Knight.

Kailangan ko 'yong pigilan.

Konektado ang lahat.

Napahilamos ako sa mukha dahil mababaliw na yata ako sa pag-iisip ng posibleng dahilan.

The death of the Knight in my world is connected with my parents' death which is also connected with his father, na hindi naman talaga dapat nangyari in the first place dahil sa isang maling akala.

Pero hindi naman kasama ni Knight ang Papa niya sa mundong 'to. And my parents--natigilan ako. Ginawa ko na yata lahat para malaman kung ano ang kalagayan ng mga magulang ko dito o kung buhay ba sila pero wala akong nakukuhang impormasyon. Lagi na lang may humahadlang.

Pero pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maprotektahan si Knight at hindi siya mawala sa mundong 'to.

Not again.

Tumayo na ako para makabalik na sa Condo. Napagdesisyunan ko na lang maglakad dahil malapit lang naman ang Condo dito. Sayang din ang pamasahe. Ang mahal pa naman ng Iced coffee tapos wala lang pala si Knight.

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi pwede, Eve.

Natatanaw ko na ang condo nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala naman ako nakitang tao. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero naramdaman ko na naman ang sumusunod kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Pero dahil sa pagmamadali ko ay nadapa ako.

"Shit." I muttered.

Tatayo na sana ako nang may naglahad ng kamay sa harap ko. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam na lampa ka pala, Everleigh." nakangising sabi nito.

Kumunot ang noo ko. Kilala niya ako?

Hindi ko tinanggap ang kamay niya at tumayo na ako agad.

I heard him chuckle. Matangkad siya at hindi ko rin maipagkakaila na may itsura ito pero hindi no'n maalis na sinusundan niya ako na parang stalker.

"Bakit mo ako sinusundan? At bakit mo ako kilala?" tanong ko sa kaniya at lumayo ako nang bahagya.

Nakita ko naman kung paano siya nagulat sa sinabi ko.

"Sinusundan kita kasi nakalimutan mo 'tong wallet mo." nilahad niya sa akin 'yon.

Sa sobrang dami kong naiisip ay hindi ko na namalayan na naiwan ko na pala 'to.

"Thanks." hinablot ko iyon sa kaniya "Dapat tinawag mo na lang ako hindi 'yong para kang stalker na sumusunod sa akin."

"I'm sorry. I just thought you'll get mad when you see me." nag-iingat na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo ako kilala?"

"You think I'll buy that, Everleigh?" nakangising sabi niya "Anyway, I think we'll be seeing each other more often."

Nagsimula na siyang tumalikod at maglakad palayo ngunit bago pa siya umalis nang tuluyan ay lumingon muna siya nang bahagya sa akin.

"I hope you won't get mad at me. I hate it as much as you do." sabi niya bago naglakad paalis.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon