21

228 36 650
                                    

84 days before the arrival of the Millet Comet.

The night before the lunar eclipse.

Naglalakad ako ngayon papunta sa SAO. Nakapagdesisyon na ako tungkol sa offer nila sa akin. Napansin kong wala na halos mga estudyante sa hallway. Mangilan-ngilan na lang ang mga nakikita ko na nag-aasikaso ng clearance.

Nang matapat ako sa pinto ay kumatok muna ako bago pumasok.

"What brings you here, Ms. Villanueva? I already signed your clearance." kunot noong sabi ni Mrs. Santos.

Nilapag ko sa desk niya 'yong letter na binigay sa akin.

"I know you'll accept it." ngiti niya at kinuha 'yon.

"I'm sorry but I didn't sign it po. I chose not to accept the offer because I have other plans on my mind this summer." nakangiti kong sambit.

Kung sigurong iba ang sitwasyon ko ngayon ay tatanggapin ko ang offer nang walang pagdadalawang isip. Kaya lang ay maraming nakasalalay sa mga desisyon kong gagawin.

Hindi ko na rin hawak ang oras ko dito.

"Why? I mean. I thought you're..." naguguluhang sabi ni Mrs. Santos.

"I've already made my decision po. Pero salamat pa rin po sa offer." ngumiti ako at tumalikod na para makaalis.

Nag-aya si Kevin sa Condo niya para mag celebrate dahil lahat kami ay pumasa at walang bumagsak sa amin. Isama na rin ang pagiging dean's lister ni Knight.

Nag-aabang ako ng jeep nang tumawag si Knight.

"Hello?" bungad ko.

Pinara ko ang isang jeep kaya lang ay puno naman na 'to.

["Tapos ka na ba, Eve? Sunduin na kita."] narinig ko ang maingay na sigawan nila Ivan sa background.

"Hindi na, Knight. Mamamasahe na lang ako papunta diyan. Malapit lang naman." pinara ko ulit ang isang jeep kaya lang ay nilagpasan lang ako nito kahit hindi pa naman puno.

Wow.

Hindi ba nila ako nakikita dito? Sa susunod nga magsusuot na ako ng neon orange na damit para kitang kita ako.

["Sigurado ka? Mas mabilis--Nasaan ka na ba mahal ko? Namimiss kita pag 'dika nakikita.] natawa ako nang marinig ang boses ni Kevin na kumakanta.

"Sige na Knight ito na sasakay na akong jeep." binaba ko na ang tawag kahit wala pa namang jeep.

Konti na lang talaga iisipin ko ng ayaw akong isakay ng mga 'to. Naglakad pa ako nang kaunti dahil baka malas lang ang kinatatayuan ko kanina.

Nagulat ako nang may humintong kotse sa harapan ko at bumusina.

"Everleigh?" naaninag ko ang pamilyar na lalaki pagkababa nito ng bintana ng sasakyan.

Napairap ako at nagsimulang maglakad palayo kay Leon. Kaya lang ay sinusundan pa rin ako nito.

"Anong gusto mo?" inis na sabi ko.

"Hop in. Ihahatid na kita kung saan ka man pupunta. Mahihirapan kang makasakay dahil may rally ang mga driver ngayon." seryosong sabi nito.

Napatingin naman ako sa oras at sa ilang mensahe mula kila Knight at Olivia. Bumuntong hininga ako at binuksan na ang kotse niya para sumakay. Nakita ko namang ngumisi ito.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon