4

313 64 573
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa library dahil may kailangan akong tapusin na research para sa Organic Chemistry.

Anim na araw na magmula noong nakabalik ako dito sa mundo ko. Anim na araw na rin akong hindi nakakabalik doon.

Papasok na ako sa Library nang mapansin ko ang pamilyar na pigura. Nakatayo ito sa malayo at nakamasid sa akin. Nakasuot pa rin siya ng hood kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.

Nagsimula na naman siyang maglakad palayo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may alam siya kaya naman pumihit ako para masundan siya. Hindi pa siya nakakalayo at mabagal lang din siya maglakad kaya nasundan ko siya agad.

Hinawakan ko ang braso niya para matigil siya sa paglalakad at iniharap ko siya sa akin. Parehong nanlaki ang mga mata namin.

"Liam?!"

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong unang sumalubong sa akin noong unang beses ako mapunta sa mundong iyon.

Dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko namalayang nakawala na siya sa akin at tumatakbo na palayo. Agad ko naman siyang sinundan at nakitang nagpunta sa liblib na parte ng Campus. Napamura siya nang makitang wala na siyang malilikuan.

"Liam mag-usap tayo." hinihingal na sabi ko.

"Wala tayong dapat pag-usapan." seryosong sabi niya.

"Anong wala? Alam mo ang nangyayari diba? Magkapareho ba tayo ng sitwasyon? Bakit ka nandito?"

Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Lumapit ako sakanya.

"Liam please. Ipaliwanag mo naman sa akin kung ano ang nangyayari. Wala akong naiintindihan. Bakit ako?"

Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago bumuntong hininga.

"Ikaw ang dapat makatuklas ng dahilan kung bakit nangyayari iyan sa'yo." panimula niya.

Anong dahilan iyon?

"Ikaw? Bakit nangyayari sa'yo iyan? Nasaan iyong Liam sa mundong 'to?"

For a moment I saw pain in his eyes but he immediately averted his gaze.

"Patay na. Kaya malaya akong nakakapunta dito kasi patay na ang Liam sa mundong ito." walang emosyong sabi niya.

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

"Ibig sabihin ba niyan mamamatay ka rin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Bumuntong hininga siya.

"Maraming posibilidad Eve. Maaaring mamatay ako kagaya niya pero maaari ring mabuhay ako."

"Kaya ka ba nagtatago?"

"Hindi ako nagtatago. Noong unang nakita kita ay nagduda na ako na galing ka sa mundong iyon kaya binantayan ko ang mga kilos mo at napatunayan ko nga. Kaya lang ay hanggang doon nalang iyon dahil hindi kita pwedeng tulungan."

Ilang sandali lang akong nakatulala habang pinoproseso ang mga sinabi niya.

"Konektado ang lahat, Eve. Kailangan mo lang malaman ang dahilan kung bakit nangyayari sa iyo yan bago mahuli ang lahat. Maaring hindi na mababago ang nangyari dito sa mundong 'to pero maari pang mapigilan ang pwedeng mangyari sa kabilang mundo." iyon ang huli niyang sinabi bago nagsimulang maglakad palayo.

Nakakailang hakbang pa lang siya ay lumabas na si Olivia sa kung saan man siya nagtatago.

"Ha! I knew it. Malandi ka talagang babae ka! Patago pa kayong nagkikita ng lalaki mo ah. Makakarating ito kay Robin!" sabi ni Olivia habang masamang nakatingin sa amin ni Liam.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon