96 days before the arrival of the Millet Comet.
Sabado ngayon at naisipan namin ni Knight na mamalengke para sa mga kakailanganin ni Tita Helen sa kanilang itatayong maliit na karinderya. Ang sabi ko kasi kay Knight ay maganda itong pagkakitaan since magaling naman siyang magluto pati na rin si Tita.
Boszxc:
Nandito na ako sa baba.
Dito na lang kita hihintayin.
Nagmadali na ako sa pag-aayos nang makita ang mensahe galing kay Knight. Kinuha ko ang bag na dadalhin at ang mga sandwich na ginawa ko para kay Tita at Knight.
Tumingin muna ako ng isang beses sa salamin. Naka-suot lang ako ng shorts at puting t-shirt. Itinali ko lang ang buhok ko dahil mainit panigurado. Chineck ko rin ang mga saksakan. Nang masigurong ayos na ay nagsimula na akong lumabas. Kaya lang ay napatigil ako nang makita ang isang note na mukhang ipinasok sa siwang sa ilalim ng pinto.
Guess what's my favorite song, Everleigh?
I'm gonna get you
You're gonna love me
No doubt about it
I'm gonna get you
Ps. I'll be watching you
L.M.
Bigla akong kinilabutan nang mabasa ko 'yon at napatingin ako sa paligid.
Ito rin ba 'yong nagpadala ng text sa kaniya noon?
Ipinagsawalang bahala ko na muna ito at inilagay sa loob ng bag. Pagkababa ko ay nakita ko na si Knight na nakahilig sa motor niya at umiinom ng taho. Inabot niya sa akin ang isa.
"Thanks. Matagal ka bang naghintay? Sorry may inayos lang." inabot ko na rin sa kaniya ang sandwich na ginawa ko.
"Hindi naman." tinaas niya ang binigay ko "Salamat dito." ngisi niya.
Inubos lang namin ang taho at sumakay na kami sa motor niya. Pareho na kaming may helmet ngayon dahil binilhan niya rin ako ng sarili kong helmet. Baka raw kasi mahawa siya sa kuto ko kahit wala naman!
Ipinarada ni Knight ang motor niya sa isang tabi. Napatingin naman ako sa maingay na palengke. Weird siguro para sa iba pero ang saya ko tuwing nasa palengke ako. Gusto ko rin 'yong amoy ng mga sariwang karne. Bigla ko namang naalala yung pamamalengke ko minsan kasama si Vicky.
"Alam mo ba lagi akong namamalengke dati dahil meron din kaming maliit na kainan. Kung pwede lang sana makilala mo rin si Auntie at Vicky sa mundo ko. Naku mahilig pa naman sa gwapo 'yong kapatid ko." malawak na ngiting sabi ko.
He chuckled. "Malay mo makilala ko rin sila balang araw."
Napangiti naman ako.
Sana nga.
Dahil nga masyado akong nasabik sa muling pamamalengke ay ako na halos ang namili mula sa mga karne hanggang sa mga rekados. Natatawang sumusunod lang sa akin si Knight habang hawak ang mga pinamili namin.
"Bili tayong hipon tapos luto ka ulit ng buttered shrimp!" I enthusiastically said.
Natawa naman si Knight at napailing na lang.
"Eve para sa karinderya mga bibilhin at lulutuin natin hindi sa birthday party. Tsaka baka walang bumili niyan sa mga kapitbahay namin." natatawa niyang sabi.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Ciencia FicciónDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...