I was tapping my pen on an empty notebook.
Pagkabalik ko dito sa mundo ko ay nakita ko ang notebook na 'to na hindi ko pa nasusulatan kaya naisipan kong gawin itong diary. Balak ko sanang isulat dito lahat ng mga ala ala ko sa mundong 'yon. Kahit ang maliliit na detalye ay isinulat ko.
Kasalukuyan akong nagsusulat nang pumasok si Vicky.
"Ate pinapatawag ka po ni Aling Lidia." lumapit siya at tinignan ang sinusulat ko. "Anong sinusulat mo Ate?" agad ko itong isinara.
"Bawal 'to sa bata." sabi ko at itinago na ito.
"Bakit Ate ano ba 'yan? May boyfriend ka na ba?"
"Anong boyfriend? Nakakain ba 'yon?" wala sa sariling sabi ko.
"Pwede naman Ate."
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya kaya bigla siyang tumakbo palabas. Hinabol ko siya kaya lang ay nasa kusina na siya at nagpupunas ng mga pinggan na parang wala siyang sinabi. Napapagitnaan siya ni Auntie at Aling Lidia kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin. Ngumiti pa 'to na parang Anghel.
Kanino ba 'to nagmana?
"Ano pong kailangan niyo Aling Lidia?"
Tumulong ako sa pagsasandok ng kanin para sa mga order na pagkain.
"Pwede bang makisuyo ulit Eve at pakihatid ito sa mansyon? Sabado kasi ngayon kaya naisipan nila Manang Roda na sa atin bumili ng pagkain. Suporta na rin nila."
Natigilan ako.
Hindi ko alam pero parang ayaw ko na bumalik doon.
"Sige po Aling Lidia." sumang-ayon ako dahil wala naman ibang gagawa nito kung hindi ako.
Nakatingala ako ngayon dito sa harap ng mansyon.
Hindi ko maiwasang isipin na kahit gaano ito kalaki at kagarbo ay nababalutan pa rin ito ng lungkot.
"Manang ito na po inorder niyo." inabot ko na kay Manang Roda 'yong pagkain.
"Salamat Eve. Pasensya ka na at kinailangan mo na namang mag hatid ng pagkain dito."
"Naku wala po 'yon. Wala rin naman po akong ginagawa." basta huwag lang akong papasok ulit diyan.
"Pasok ka muna Iha. Habang kinukuha ko 'yong bayad. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko nadala."
Uh-oh.
"Hindi na po Manang. Dito ko na lang po kayo hihintayin." ngiti ko sa kaniya.
"Sige na pumasok ka na. Wala naman ang mga amo ko huwag kang mag-alala, alam kong natatakot ka dahil sa nangyari dati."
Hindi naman 'yon ang dahilan.
Hinila niya na ako papasok kaya wala na akong nagawa.
"Maupo ka muna diyan Iha." iniwan na niya ako sa sala at umalis na para kumuha ng pambayad.
Naupo na lang ako doon at naghintay. Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa mansyon.
This is where he grew up.
Tahimik akong nakaupo doon nang may biglang pumasok sa mansyon. Naka dalawang tingin pa siya sa akin. Hindi siguro inaasahan na may tao sa sala. Tumayo ako upang magbigay galang kay Sir Augustus.
"M-magandang tanghali po. Hinihintay ko lang po si Manang Roda." pagpapaliwanag ko.
Akala ko ay aalis na siya kaya lang ay pumihit siya papunta sa direksyon ko. Malamig ang mga titig nito sa akin na parang kinikilala ako. Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.

BINABASA MO ANG
To Get To You
Ciencia FicciónDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...