"Señora nasa baba na po ang mga magulang niyo." pagtawag ni Fely sa akin.
Lalo akong nagtalukbong ng kumot. Kalahating buwan na siguro akong nakakulong dito sa kwartong 'to at ngayon lamang sila bumisita kung kailan isang araw na lang bago ang kasal.
"Ako po ang malalagot señora kapag hindi po kayo bumaba."
Bumuntong hininga ako at tinanggal ang kumot.
Alam kong literal na malalagot si Fely dahil 'yon ang nangyari kay Bj. Wala raw nakakita sa kaniya magmula noong araw na umalis kami dito. Ang sabi ni Enriquez ay sinisante niya ito kaya bumalik na lang ito sa probinsya niya. Maniniwala sana ako kung hindi ko lang alam na isa siyang halimaw.
Sinuot ko ang jacket ko at ang salamin. Nitong mga nakaraang araw ay dalawang kamay ko na ang nag-glitch at mas matagal na rin itong mawala kaya doble ingat na ako.
Nalalapit na rin ang paglisan ko.
"I missed you anak." salubong ni Mama kaya lang ay nilagpasan ko siya.
I scoffed.
Alam pa pala nila ang salitang anak o naaalala lang nila ito t'wing may kailangan sila dito?
Hindi sila ang mga magulang ko. Ang mga kaharap ko ay mga halimaw na nagpadala sa kasakiman.
"Behave, Luz mía. You know what I can do to your one sick love." bulong ng demonyo sa akin.
Lumapit din ako para bumulong sa kaniya. Nakita ko namang napangiti sila Mama.
"Go fuck yourself." bulong ko at nilagpasan din siya para pumunta sa hapag kainan.
Nakita kong natigilan siya pero pilit pa ring ngumiti sa harap nila Mama. Niyaya niya na rin ito na magpunta sa hapag. Sa ilang araw ko dito ay hindi talaga sumasabay sa pagkain si Leon. Naiintindihan ko naman siya. Sino ba naman gustong makasama ang mga ganitong klase ng tao?
This dinner feels like my last supper with Judas on my side.
"Dapat hindi kayo magkasama ni Eve the night before the wedding." masiglang sabi ni Mama.
Seriously? Paano nila nasisikmura 'to?
"I've already booked a room at a hotel for Luz mía. Doon na rin siya aayusan para bukas." nakangiting sabi nito.
"Is the church wedding your idea, Everleigh?" tanong ni Papa.
"Wala po akong idea dito simula pa--" natigil ako nang patagong ilagay ni Enriquez ang kamay niya sa hita ko at mariing pinisil 'yon.
Napangiwi pa ako sa sakit habang patay malisyang nakangiti lamang 'to sa mga magulang ko.
"O-opo ako ang may idea na sa simbahan ikasal." tinanggal na nito ang kamay niya.
Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap doon tungkol sa kasal at kung ano ano pa. Bilib din ako sa sarili ko at napigilan kong masuka habang nag-uusap sila. Tapos na kumain ang lahat pero masyado pa silang natutuwa sa kwentuhan nila kaya hindi pa ako makaalis dito.
Pakiramdam ko ay lalo lamang lumala ang sitwasyon.
"Señor, Mr. Tañedo is on the phone." pagtawag ni Fely kay Enriquez.
"Excuse me. I'll just take this call. You can use this time to talk with your daughter." tinignan niya ako nang makahulugan bago umalis.
I can actually hear crickets now that I'm left with my parent's sosies.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...