30

214 34 935
                                    

Sabi nila, lahat daw ng tao ay may hinahanap sa mundong 'to.

Malalaman lang daw natin kung ano o sino ito kapag nasa harap na natin.


"Knight you speak naman. Date natin 'to pero ako lang nagsasalita. Kain ka lang nang kain diyan." inis na sabi ni Trina? Tipay? Trisha?

Kumuha lang ako ng pizza at nilantakan 'yon. Habang ngumunguya ay nakita ko ang dalawang ugok sa malayo.

"Aalis na 'ko, Trix--"

"It's Tracy!" lalo yata siyang nainis.

"Aalis na ako, Tracy. Kita mo 'yong dalawang pulpol 'don?" tinuro ko si Kevin at Ivan na parehong nakatingin dito at mukhang nang-aasar pa.

Mga ulol!

"Sila pagbayarin mo kasi sila naman may pakana nito." kumuha ulit ako ng pizza bago tumayo at nagpunta sa lamesa ng dalawa.

"Soya ba boss? Nakuha mo na number? Kayo na?" sunod sunod na tanong ni Kevin.

Kinuha ko ang tubig niya na nasa lamesa at nilagok 'yon.

Ako lang ba o mas masarap talaga kapag libre?

"Kayo magbayad sa mga kinain namin." sabi ko at naglakad na palayo kaya lang ay sinundan ako ng dalawang ugok kaya tumakbo na ako.

"Knight! Bumalik ka ditong kupal ka!"

Masyadong marami in-order kong pagkain kaya sigurado akong mahal 'yon. Sila na lang magbayad tutal sila may ideya.

Lalo kong binilisan ang takbo ko kaya lang ay may nakabanggaan akong babae at nadaganan ko pa siya sa sahig.

Oh, chicks.

Nakita kong nagulat siya. Ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo?

"Shit sorry." tumayo ako at naglahad ng kamay sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin kaya napatitig din ako. Maganda siya. Magandang maganda. Mukha nga lang mataray.

Bakit nga ulit ngayon ko lang siya nakita?

"Miss pwede ba mamaya mo na ako titigan? Tayo kana dyan." gusto ko pa sana makipagtitigan kaya lang ay may dalawang demonyong humahabol sa akin.

"Excuse me-"

Hindi ko na siya pinatapos at hinila na siya papasok sa silid na walang tao. Lumapit din ako sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.

Hinintay ko munang makaalis ang dalawa ugok.

Takte! Bigla akong pinagpawisan nang mapagtanto ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

Tinulak niya ako at pumameywang sa harapan ko.

"Sino ka sa tingin mo para hilahin mo ako basta basta, ha?! Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo!"

Napangiti ako. Sungit naman.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit sinusungitan niya 'ko ay nangingiti pa rin ako.

Ito na ba Lord? Siya na ba 'yong hinahanap ko? Ang bilis naman.

"Hey I said I'm sorry. Tsaka bakit kaba kasi nakatayo sa gitna ng hallway? Wala kabang klase? Or break mo ba? Half day? Ano bang pangalan mo?" ngumisi ako.

Hinihintay ko ang sagot niya kaya lang ay sinungitan na naman ako at naglakad palayo.

"I have my ways don't worry." sabi ko at pinanood siyang maglakad palayo.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon