7

271 53 615
                                    

Pagabi na ng mapagdesisyunan ng mga batang kasama ko na kailangan na naming umuwi. Para akong nagbabantay ng apat na pamangkin sa sobrang ligalig nila.

"Mag commute kana lang itlog. Para lumuwag naman sa sasakyan ko." tinutulak ni Olivia si Kevin para hindi makapasok sa sasakyan niya.

Napahilot ako sa sentido ko. Mga ilang minuto na kami dito sa sasakyan pero hindi pa umaandar dahil sa kanila.

"Wow. Pagkatapos kitang pakainin at ilibre sa timezone ito ang igaganti mo sa akin?" madramang sabi ni Kevin. "Bakit hindi nalang si Ivan ipagcommute mo?"

"Hoy itlog huwag mo na akong idamay diyan. Nananahimik na nga ako para hindi ako mapansin e." sabi naman ni Ivan.

Bigla namang pinaandar ni Knight ang sasakyan kaya naiwan si Kevin. Tawa sila nang tawa habang pinapanood na humabol sa amin si Kevin.

Pinalo ko ang braso niya. "Huy ano ba ihinto mo nga. Kawawa naman si Kevin."

Nagvivideo pa si Olivia habang tawa nang tawa si Ivan. Ito namang Knight na 'to parang walang naririnig at sige pa rin sa pagpapatakbo ng sasakyan.

"Ako na lang bababa kung ayaw mong itigil." inis na sabi ko.

Akmang ibubukas ko na sana ang pinto kaya lang ay bigla itong huminto. Muntikan pa akong masubsob kaya sinamaan ko ng tingin si Knight. Mga kalokohan kasi!

"Mga ulol! May araw din kayo sa akin tandaan niyo 'yan." sabi ni Kevin nang papasukin na siya sa sasakyan.

Buong byahe ay pinapaulit-ulit lang nilang panoorin iyong video ni Kevin na tumatakbo. Hindi na rin naubos tawa nila kaya buong byaheng nakasimangot si Kevin.

Kawawang itlog.


"Gosh sorry Eve hindi na kita maihahatid kasi sa kabilang way ako dadaan. May emergency lang sorry." biglang sabi ni Olivia nang maihatid namin sa Campus 'yong tatlo. Nandito kasi mga sasakyan nila.

"Ayos lang ano kaba. Ibaba mo na lang ako sa tabi. Magcocommute nalang ako." sanay naman na ako.

"Gosh sorry talaga. Imessage mo nalang sa akin plate number ng sasakyan mo ah? Ingat ka Eve." sabi ni Olivia bago ako ibaba sa gilid at pinaharurot ang sasakyan.

Napagdesisyunan ko munang dumaan sa gotohan. Kapag kasi kumakain ako nito pakiramdam ko ay nasa mundo ko pa rin ako.

Tapos na akong mag-order. Hinihintay ko nalang na maibalot ang goto ko. Gusto ko mang kumain dito ay wala na akong makakainan. Kahit dis oras na ng gabi ay ang dami pa ring tao dito.

"Ate dalawang balot nga po ng goto." napatingin ako sa pamilyar na boses ng nagsalita.

Kumunot ang noo ni Knight nang makita ako.

"Bakit nandito kapa? Hindi ka hinatid ni Olivia sainyo?" tanong niya habang nagbabayad. "Nagbayad kana?"

Tumango ako sakanya. "May emergency daw si Olivia."

"Paano 'yan wala ka namang makakainan." sabi niya habang inililibot ang tingin sa gotohan.

"Itetake out ko nalang." sabi ko sakanya at inabot na ang goto ko

"May alam ako kung saan natin 'to pwedeng kainin." sabi niya sabay taas ng goto niya.

Tumaas ang kilay ko sakanya.


"Ano ba naman 'yan hindi mo naman sinabing may mini hiking na kailangang gawin. Gusto ko lang naman kumain ng goto!" hingal na sabi ko habang umaakyat sa maliit na burol.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon