Nakagapos ang mga kamay at paa ko habang nakahiga ako ngayon dito sa pamilyar na kwartong 'to. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko kaya lang ay nanlalabo pa rin ang paningin ko dahil sa itinurok sa akin.
'Multiple killings are reported in several parts of the World. Astrologists said that the arrival of the Millet Comet tomorrow is the reason behind this. Comets are believed to be the menace of the Universe since unfortunate events happen whenever a comet arrives.'
"Bullshit." tawa ng lalaking nakaupo sa harap ng T.V.
Napadaing ako dahil sa sakit na nararamdam ko sa buong katawan ko at ganoon din siya. Pareho kaming natigilan dahil sa nakita namin sa isa't-isa.
Kaya pala. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit.
Nataranta ako nang lumapit siya sa akin ngunit wala akong magawa dahil nanghihina pa rin ako.
One month ago, I've lived a normal and peaceful life.
One month ago, I was so happy with them...with him.
I think it's true that before you die, you'll see your whole life flash before your eyes, but with me? I just saw the whole month I happily spent with him and with the people I love before I was put in this situation.
"Ate tawag ka na ni Kuya Brian!" sigaw ni Vicky mula sa labas.
"Eve, tara na." sumungaw ang ulo ni Knight sa pinto kwarto ko.
Pupuntahan namin ngayon ni Knight 'yong matanda na tumulong sa kaniya noong mapunta siya dito sa mundo ko. Isang buwan na si Knight na nandito at halos linggo linggo ay pinupuntahan namin ang bahay ng sinabi niyang matanda kaya lang ay wala naman ito palagi.
"Mag-iingat kayo Eve, Brian." sabi ni Auntie pagkatapos naming magpaalam sa kaniya.
Isang buwan na magmula noong gabi na pumunta si Knight dito at ipinaliwanag ang lahat. Pinakilala ko siya bilang Brian kay Auntie at kay Vicky. Pumayag naman si Auntie na dito muna mamalagi si Knight dahil may tiwala naman daw siya sa amin.
"Opo, Auntie." sagot ni Knight.
"Kuya Brian pasalubungan niyo 'ko ng doughnut pero pwede rin naman 'yong kapatid niyo na lang." pahabol ni Vicky kaya natawa si Knight.
"Kung pwede lang Vicky. Ipapamigay ko na 'yon." pagbibiro niya.
Nasabi ko naman sa kaniya na ligtas nang nakalabas ng ospital si Lyle kaya napanatag ang loob niya.
Sumakay kami ng tricycle ni Knight papunta sa bahay ng matanda. Nalagpasan namin ang mga kabahayan bago naging bukid ang aming dinaraanan.
"Nandyan na kaya siya?" tanong ko kay Knight.
"Sana." sinungaw niya pa ang ulo niya sa labas.
Nagpababa kami sa tapat ng isang bahay na gawa sa kawayan. Maliit lamang ito ngunit preskong tignan dahil bukid nga ang nakapaligid dito.
Naglakad kami papalapit doon at nagulat ako nang lumabas ang pamilyar na matandang babae.
"Inang." bulong ko.
"Kilala mo si Inang?" kunot noong tanong ni Knight.
Kilalang kilala. Siya 'yong matandang tinulungan ko noon na akala ko ay namatay pero ako naman ang tinulungan niya. Sa ibang mundo nga lang.
Konektado nga talaga ang lahat.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Inang.
Lumapit kami pareho ni Knight, may bitbit siyang mga pagkain para kay Inang.

BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...