Kinabukasan ay nagising ako sa pamilyar na pink na kisame. Dali dali akong napaupo kaya nasapo ko ang ulo ko.
"What the hell?" sabi ko habang inililibot ang paningin sa kwartong nagsuka ng pink.
Ito ang unang beses na nagising ako na nandito pa rin sa mundong ito.
Anong nangyayari?
Biyernes ngayon dito kaya naisipan kong pumasok nalang kahit ang sakit sakit ng ulo ko. Hindi naman kasi ako palainom unlike her.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang unipormeng nakita ko at kinuha ang bag na halata mong mamahalin. Walang wala ang luma kong bag na nabili ko pa sa tiangge. Sinilip ko rin ang wallet at nalaglag ang panga ko dahil hindi pa ako nagkaroon ng ganoon karaming pera!
Pasensya kana babayaran nalang kita.
Dahil nga hindi ako marunong magmaneho ay naisipan ko nalang mag commute. Gustuhin ko mang lakarin ay baka lumawit ang dila ko pagkarating ng Campus dahil sa sobrang layo nitong Condo.
Pagkarating ko ng classroom ay wala pa ang Prof. Nasanay kasi ako na maagang pumasok maliban doon sa isang beses na nahuli ako sa klase.
"Himala ang aga mo yata ngayon Eve?" tanong ng kaklase ko na hindi ko naman kilala.
"Oo. Mahirap na." baka masungitan na naman ako kapag na late.
Mabuti nalang at pareho kami ng kursong kinuha kaya hindi ako mahihirapang mag adjust. Kahit naninibago ako dahil halos lahat ng mga kaklase ko ngayon dito ay hindi ko kilala. Nakakapanibago rin na walang Grace na nangungulit sa akin ngayon.
"Ano bang nakain mo Eve at nagsusulat kana rin ng notes ngayon? Dati naman ay wala kang pakealam ah." kunot noong tanong nitong katabi ko.
I can't help but notice how different she is.
I just shrugged at her dahil hindi ko naman alam anong sasabihin ko.
This isn't my life after all.
Nag ring na ang bell hudyat na lunch break na namin. Dali dali kong inayos ang gamit ko at lumabas na. Nasanay na akong kasabay kong kumakain sa cafeteria si Grace kaya lang ay iba ngayon dahil mag-isa lang ako. Hindi ko rin nakita si Olivia kaya naman nag-order nalang ako at naupo sa isang sulok.
"Gago baka tatakasan mo na naman kami. Kami na nga nagbayad noong sa date niyo ni Tracy na tinakasan mo lang."
"Sino ba kasing nagsabi sainyo na I-set up ako kay Tracy? Mga ulol!"
Kumakain ako nang marinig ko ang pamilyar na boses kaya nag-angat ako ng tingin. Nagtama ang paningin namin ni Knight. Agad itong ngumisi at lumapit sa akin.
I instinctively rolled my eyes as I continued chewing on my food.
"Himala yata at hindi ako invisible ngayon sa paningin mo dito sa Campus?" sagot niya nang maupo sa tabi ko at kinagat iyong pizza ko.
Minsan na nga lang makakain ng pizza may epal pa!
Pinalo ko ang kamay niya. "Ano ba bumili ka nga ng sarili mong Pizza."
"Ayan na sa'yo na. Ang damot." balik niya ng pizza sa platito ko.
"Hindi na. Sa'yo na yan tutal may laway mo na." nakangiwing sabi ko.
"Arte naman nito." sabi niya at nakiinom pa sa tubig ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin habang umiinom siya.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Khoa học viễn tưởngDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...