25

236 35 695
                                    

"I'm afraid." umiiyak na sabi niya pagkatapos magkuwento.


"Bakit ka natatakot?"


"Everleigh!"


"I'm afraid that I wouldn't wanna go back there anymore."


Pinunasan ko ang luha kong kanina pa pala bumubuhos. Mga halimaw sila. Paano nila nagawa 'to sa anak nila?


"Everleigh, wake up!"


"Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para maayos 'to. Para wala ka nang pangamba sa oras na bumalik ka dito."


"R-really?" I can sense hope in her voice.


"Everleigh gumising ka!"


Tumango ako at ngumiti. "You deserve to be happy. Ninakaw nila sa'yo ang pagkakataong maging masaya kaya babawiin ko 'yon para sa'yo. Pangako."


"Everleigh!"


Isang malakas na pwersa ang parang humigop sa akin pabalik dito. Pabalik sa Condo kung saan sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Liam.


Pawis na pawis ako at puno ng luha ang mukha ko.


"Are you okay? Hindi ka namin magising kanina. Muntikan ka na." nag-aalalang sabi ni Liam.


Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Kinuha ko ang mga gamit ko at nilagay sa isang bag. Naramdaman kong sumunod si Liam.


"Anong ginagawa mo?" tanong niya at naupo sa kama.


"Hindi ako pwedeng bumalik doon Liam. Mamatay tao 'yong matandang 'yon." kinuha ko lahat ng natitirang damit pati pera.


Hindi ko siya matutulungan kung magiging isang malamig na bangkay ako kaya hindi ako dapat manatili doon.


Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ni Liam.


"Puntahan mo si Knight." biglang sabi niya kaya napaharap ako sa kaniya.


"Huh? Bakit si Knight?" nagtatakang tanong ko.


"Hindi ba siya ang dahilan kung bakit ka nandito? Mas mababantayan mo siya kapag magkasama kayo."


Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi kaya mas lalong mapahamak si Knight kapag magkasama kami?


Nagpatulong ako kay Liam. Nilagyan ko ng pampatulog ang inuming binigay kay Bj. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakatulog na ito kaya naman hinila siya ni Liam papasok. Pinapanood lamang kami ni Inang.


Naglagay ako ng malaking halaga ng pera sa bulsa ni Bj dahil alam kong maaari siyang sisantehin ni Enriquez pag nalaman niyang nakatakas ako.


"Mas mabuting makatakas ka sa impyernong 'yon habang maaga." bulong ko pagkatapos ilagay ang pera sa bulsa niya.


Nakasakay kami ngayon sa nirentahang sasakyan ni Liam papunta kila Knight. Naiwan ko ang cellphone ko sa mansyon kaya hindi ko macontact si Knight. Surprise na lang siguro.


Hindi sumabay sa amin si Inang dahil may iba raw siyang pupuntahan.


"Pwede na ba nating pag-usapan kung saan ka nanggaling talaga? Hindi ba totoo 'yong mga sinabi mo sa akin dati tungkol sa pamilya mo?" pambasag ko sa katahimikan.


Bumuntong hininga naman ito.


"Lahat ng sinabi ko sa'yo tungkol sa mga kailangan mong malaman dito ay totoo. May mga kulang lang siguro pero totoo halos lahat ng 'yon."


To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon