Nandito kami ngayon ni Grace sa cafeteria. Kumakain kami kaya lang ay hindi ko maalis ang titig ko kay Olivia. Nakita niya naman akong nakatitig sakanya kaya tinaasan niya ako ng kilay. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
Malayong malayo sa Olivia na napanaginipan ko kahapon.
Panaginip nga ba?
"Grace may kilala ka bang Knight?" tanong ko sakanya habang pasimpleng nakatingin kay Olivia.
Naalala ko yung mga ngisi niya. Paglapat ng balat niya sa akin. Kamay niyang hinihila ako.
It felt so real.
"Sinong Knight? Gwapo ba yan?"
Sobra.
"Pwede na." kibit balikat ko. "Mukhang Engineering student." binase ko sa uniporme niya nung magkita kami.
"Eve kilala ko lahat ng Engineering student na gwapo pero wala akong kilalang Knight. Baka naman hindi siya kagwapuhan." kunot noong sabi niya.
Kinumbinse ko nalang ang sarili ko na panaginip lang ang nangyari kahapon kahit na iba sinasabi ng buong sistema ko.
"Hi Eve." nakangiting sabi ni Robin nang mapadaan sila ng barkada niya sa lamesa namin.
"Hi." nakangiting sabi ko.
Nagkantyawan naman ang mga barkada niya kaya napatingin sa gawi namin sila Olivia.
Naku galit na naman ang bruha.
"Yayayain sana kita mamaya Eve after klase kung pwede tayong magmeryenda." nahihiyang sabi niya.
"Pasensya kana hindi ako pwede mamaya. May trabaho kasi ako."
"Ganoon ba?" malungkot na sabi niya. "Sa susunod nalang pwede?" hindi pwede dahil baka pag-initan ako lalo ni Olivia.
"Sure." sabi ko nalang para umalis na sila.
Nagkakantyawan naman silang umalis ng mga kabarkada niya.
Pagkatapos naming kumain ni Grace ay nagpaalam ako saglit na mag-cr ako.
"Look who's here. Ang landi mo talaga ano?" tinignan ko si Olivia sa salamin habang naghuhugas ako ng kamay.
Bumuntong hininga ako at tinalikuran na siya para lumabas.
"Huwag mo akong tinatalikuran. Kinakausap pa kita." nanggigigil na sabi niya.
Bakit galit na galit?
"Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi ko naman kasalanan na ako ang gusto niya, ah. Tsaka huwag kang mag-alala may iba na akong gusto." I lied baka sakaling tumigil na siya.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. Kunwari ka pa, kapag naman nakatalikod ako sigurado akong dun ka lumalandi." hinawakan niya nang mariin ang braso ko.
The hell?
"I don't know why I'm even explaining myself to you pero wala akong panahon sa mga ganoon Olivia. At mas lalong wala akong panahon sa mga walang kwenta mong bintang kaya bitawan mo na ako."
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at iniwan siya doon.
The day went on as usual. 4:45 nang idismiss kami kaya naman nagmamadali na akong dumiretso sa trabaho ko.
"Sorry Cathy. Late nagdismiss prof namin." paghingi ko ng paumanhin sa kapalitan ko.
"Okay lang ano kaba. Oo nga pala nabalitaan mo na ba yung nangyari kaninang madaling araw?"
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...