"Corny mo." sabi ni Knight habang umiinom ng iced tea.
Nag-aya kasi sila na mag inom kaya lang ay hindi ako pumayag dahil hindi pa naman sila lasing ay ang ligalig na nila. Paano pa kaya kapag nalasing na sila baka magulo na ang buong condo. Naisipan na lang ni Kevin na magtimpla ng Iced tea para kunwari umiinom pa rin daw kami. Ngayon naman ay nag-aaya sila maglaro ng walang kamatayang 'Truth or Dare'.
"KJ mo na naman boss Knight. Masaya naman 'to hindi ba Eve?" Kevin nudged me to agree with him.
I rolled my eyes and sipped on my Iced tea.
"Yung mga ganoong laro Itlog para lang sa mga totoong lasing. Poser lang naman tayo." sabi ni Olivia at pinuno ulit ng Iced tea ang baso niya.
"Alam ko na! May naisip ako!" humarap sa akin si Ivan "Pahingi naman ng papel tsaka mga ballpen Eve."
Hindi ko alam kung anong trip niya pero kumuha na lang ako ng papel at ballpen. Binigay ko sa kaniya 'yon. Tumayo naman siya at binigyan kami ng tig iisang piraso ng papel at ballpen.
"Magpapa quiz ka ba?" kunot noong tanong ni Kevin.
Tinungga muna ni Ivan 'yong Iced tea niya bago nagsalita.
"Ganito 'yan. Lahat tayo magsusulat ng dare na gusto nating ipagawa sa kung sino pero hindi natin alam kung sino gagawa no'n dahil magbubunutan tayo. Sa loob ng isang buwan ay kailangang magawa 'yong dare na nabunot mo kung hindi ay mapaparusahan ka."
"Gusto ko 'to." tumawa pa nang nakakaloko si Kevin at lumayo nang bahagya para isulat 'yong dare na naisip niya.
"Hindi ako kasali."
"Hindi pwede boss Knight. Ang hindi sasali ay makakaranas ng 5 years of bad luck"
Inismiran ni Knight si Kevin at umupo sa lapag habang nag-iisip kung ano ang isusulat niya.
Lahat naman sila ay nakita kong nagsusulat na ng kung anong kalokohan ang gusto nilang ipagawa. Pagkatapos naman ng ilang minuto kong pag-iisip ay nakaisip na rin ako ng corny na ipapagawa sa kung sino man.
'Have a date with the one sitting on your right.'
Pabilog kasi kaming nakaupo sa lapag. Sa kaliwa ko ay si Ivan at sa kanan naman ay si Kevin na katabi si Olivia.
"Time's up. Akin na mga papel niyo."
Binilog namin ang mga papel namin pagkatapos ay inilagay sa baso na walang laman. Shinuffle 'yon ni Ivan bago kami isa isang pinabunot.
"Pwede niyo nang buksan."
Dahan dahan kong ibinukas ang papel na nabunot ko.
'Share 3 of your secrets to the one who's in front of you.'
Napatingin ako sa taong nasa harap ko. Nakakunot ang noo ni Knight habang binabasa 'yong papel na nabunot niya.
"Tangina." madrama siyang yumuko nang matapos basahin 'yon.
Ano kayang nabunot nito?
"Ano nabunot mo boss Knight." tanong ni Alvin sa kaniya kaya lang ay iniwas niya ang papel. "Damot."
"Gosh sino bang nagsulat nitong sa akin." namomroblemang sabi ni Olivia.
"Ako nga putangina kailangan ko bunutan ng sampung buhok sa kilikili si boss Knight. Paano ko naman magagawa 'yon?"

BINABASA MO ANG
To Get To You
Ciencia FicciónDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...