20

226 37 537
                                    

87 days before the arrival of the Millet Comet.

4 nights before the lunar eclipse.

"Puntahan mo na kasi bebe mo. Kulang na lang may lumabas na itim na usok tapos paligiran siya para malaman kung gaano siya kabadtrip." bulong ni Olivia sa akin at sumipsip sa kaniyang smoothie.

Napatingin ako sa kabilang side ng pool kung nasaan sila Knight. Seryoso lamang itong nakaupo sa isang lounger habang masayang nagkukwento sila Kevin. Napatingin siya sa akin habang umiinom ng juice. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-iwas ng tingin.

"Manigas siya diyan." sagot ko kay Olivia.

I heard Olivia groan.

"Nadadamay kami ni Kevin sa away niyo--na one-sided lang naman. Tignan mo pinagpipyestahan na sila ng malalagkit na mata ng mga babaeng tinubuan ng pakwan. Naku pigilan mo 'ko Evereleigh! Dudukutin ko talaga mga mata niyan." inis na sabi Olivia.

Tinignan ko ang mga babaeng tinutukoy niya. Nakahilig ang mga ito sa pool at nakaharap kanila Knight, na hindi naman nakatingin sa kanila. Halata mong iniipit nila mga dibdib nila pataas.

Mapunta sana 'yan sa leeg niyo.

"C'mon Eve. Kaya nga tayo nagpunta dito para makapag-unwind dahil tapos na ang stress natin sa finals tapos maiistress din pala tayo dahil sa mga jiggling watermelons?" maarteng sabi ni Olivia.

"Puntahan mo na kasi si Kevin. Hindi naman kita pipigilan." I laid down and put my sunglasses on.

"As if naman hahayaan kitang mag-emote dito mag-isa. Ano ba talaga nangyari girl?"

Bigla na namang nabuhay ang pilit kong itinago na damdamin. Is it jealousy? Maybe. But I think it's more than that.

Nandito kami ngayon ni Knight sa labas ng Campus at kumakain ng fishball. Nag-crave ako bigla kaya hinila ko si Knight papunta dito.

"Dahan dahan lang naman, Eve. Tayo lang kumakain dito. Hindi naman kita uubusan." kunot noong sabi ni Knight habang tumutusok ako ng maraming fishball.

"Kumain ka na lang diyan Montecillo. Nag-istress eating ako." sagot ko at nagtusok pa ng maraming fishball.

Napapikit ako nang maalala ang naging exam ko kanina sa org chem. Hindi ako pwedeng bumagsak.

"Hindi ba lumabas mga nireview natin?" inipit niya ang mga takas na buhok sa tenga ko.

I probably look horrible right now while Knight still looks fresh na parang hindi nastress sa exam.

"Lumabas naman. Pero--"

"Then you'll be fine. Huwag ka na magpaka-stress sa bagay na tapos na. I know you did your best." he assured me.

I smiled at him. Alam niya talaga kung paano pagagaanin ang loob ko.

Tinapos na namin ni Knight ang pagkain ng fishball dahil may exam pa kami pareho. Pabalik na kami sa Campus nang may biglang yumakap kay Knight.

"Miss teka lang. Bakit mo ba ako niyayakap? Mapapahamak ako nito, e." kunot noong sabi ni Knight habang pilit na tinatanggal ang pagkayakap ng babae.

I just stood there with my mouth slightly open. Hindi ko na napigilang sumingit.

"Excuse me. Sino ka?" pilit ang ngiting sabi ko sa babae.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon