Humarap ako sa salamin at tinignan ang eyeglasses na suot ko. Dahil hindi naman maaga ang pasok ko ngayon ay naisipan ko munang pumunta sa isang optical shop para bumili ng salamin.
"Ito po subukan niyo Ma'am. Hindi naman po malabo ang mata niyo kaya mas maganda po ito."
Inabot sa akin ni Ate ang isang salamin na may manipis na gold frame at pabilog na lens.
"Hindi ba ako mag-mukhang bubuyog nito Ate?" maliit lang kasi ang mukha ko kaya baka malaki itong tignan kapag suot ko.
"Naku! Hindi po Ma'am. Kaysa naman po mukha kayong Manang." humagikhik pa si Ate.
Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala. Porket ganito ang salamin Manang na agad? Ayaw ko na lang sabihin na mas mukha siyang ganoon kahit wala pa siyang salamin.
Sinuot ko na lang ito at tumingin sa salamin. Bagay naman pala. Nag mukha pa akong matalino!
"Sige Ate ito na lang po ang kukuhanin ko."
Nagbayad na ako at sinuot na ito agad bago nagtungo sa Campus.
"Anong trip mo Eve? Dahil hindi matalino daanin na lang sa glasses gano'n?" salubong sa akin ni Olivia pagkalabas ng classroom.
I rolled my eyes. "Makikiuso lang."
I suddenly stopped walking kaya napahinto rin siya. Nagtataka naman siya nang ilapit ko ang mukha sa kaniya. Tinignan ko ang repleksiyon ko sa mata niya.
Clear. Hindi siya glitch.
"Girl hindi ako magugulat kung isang araw tumatawa ka na lang mag-isa diyan habang iniikot mo buhok mo." nakangiwing sabi niya.
Natawa na lang ako sa naisip niya.
Pumili ako ng salamin na may high-reflective coating para kaya kong tignan ang kung sino man sa mga mata nila na hindi nila nakikita ang repleksyon nila sa mata ko. Mabuti nang nag-iingat.
Nakita kong papunta dito sa kinatatayuan namin sila Kevin kaya nang makalapit sila ay agad kong inilapit ang mukha ko.
"Woah! Ayaw ko pang mamatay Eve." halakhak ni Kevin nang inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.
Clear.
Lumipat naman ang tingin ko kay Ivan at inilapit din ang mukha ko.
"Gusto mo ba kaming mamatay nang maaga Eve?" tingin nang tingin si Ivan sa gilid niya kaya hinawakan ko ang baba niya para maharap sa akin.
Clea-
"Ano bang ginagawa mo?" nakasimangot na sabi ni Knight habang naka-pagitna sa amin ni Ivan.
Dahil hindi hamak na mas matangkad sa akin si Knight ay hinawakan ko ang batok niya para magka-lebel ang mukha namin. Halata naman ang pagkagulat sa mukha niya.
Clear.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa kulay abelyana niyang mata. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong. Oo nga pala. Banyaga ang kaniyang Ama. Napuna ko rin kung gaano kakinis ang moreno niyang balat. Unti unti namang bumaba ang tingin ko sa labi niya. His lips look naturally pink and full but in a manly way. I also noticed that he has a subtle cleft chin na hindi gaano mapapansin pwera na lang kung ganito ka kalapit. Napa-angat ulit ang tingin ko sa labi niya na dahan dahang ngumisi.
"Pipikit na ba ako?" nakangising sabi niya kaya binitawan ko na siya.
"Live porn part 2 Campus' hallway version!" anunsyo ni Kevin.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...