"Try this one Everleigh." tinapat sa akin ni coach ang isang kulay orange na gown. Maganda naman ito kaya lang ay ayaw ko ang kulay. Pakiramdam ko hindi babagay sa morena kong kulay.
Olivia contacted him dahil siya raw ang maalam sa mga ganito.
Napangiwi ako. "Ayokong magmukhang ponkan."
Umismid si Coach at naghanap na lang ulit ng gown kagaya ko. Bigla namang bumukas ang pinto kung saan nagsusukat si Olivia. Nakasuot siya ng red off-shoulder mermaid gown na bumagay sa maputi niyang balat at itim na itim na buhok. Kumpara sa akin ay mas defined ang curves ni Olivia kaya mas na-emphasize ito lalo dahil sa gown na suot niya.
"How do I look?" tanong niya at umikot sa harapan namin.
"You look great!" I exclaimed.
She smiled at me and then admired herself in the mirror.
"Ito Everleigh. I think this will fit you." inabot sa akin ni Coach ang kulay puting gown. Hinablot ko iyon at nagtungo sa loob ng fitting room.
Wala naman kasing specific theme na sinusunod kaya kahit anong kulay ng gown ang suotin mo at kahit anong ayos mo ay okay lang basta huwag masyadong revealing--na alam kong hindi naman masusunod dahil maraming pasaway.
I looked at myself in the mirror. I am wearing a simple white gown with a halter neckline and a thigh-high slit. Hapit siya sa may itaas ko pero umaalon naman ang ibaba nito. It has some lacy flower details to it. Binuksan ko ang pinto at hinarap sila Olivia.
"Hindi ba masyadong revealing?" naaasiwang tanong ko at ipinakita ang legs.
"Hindi 'yan ano ka ba? Kung pwede nga lang na dalawa yung slit at mas mataas pa e!" litanya ni Coach kaya napairap na lang ako.
"Gosh excited na ako sa reaksyon ng 'date' mo kapag nakita ka. Baka may kumawalang tigre sa hawla." napa-irap na lang ako sa sinabi ni Olivia.
Napagdesisyunan namin na 'yon na lang ang mga gown na kukuhanin namin. Si coach na rin daw ang bahalang maghanap ng mga mag-aayos sa amin ni Olivia.
Pagkarating ng Lunes, ang mismong araw ng pagtitipon, ay may pasok pa rin kami para sa mga pang-umagang klase. Marami nga ang nagagalit dahil ang KJ daw masyado. Dapat ay nagpapahinga na lang daw kami para mamaya.
"Shit! I'm so nervous Eve." kanina pa 'yan sinasabi ni Olivia habang may hawak na white rose.
"Sino ba kasing pagbibigyan mo?"
"Basta. Malalaman mo rin." pasuspense pa kasi e! "Bigyan mo naman ako ng tips kung paano mo niyaya si boss Knight." tinaas baba niya pa ang kilay niya.
Kaya ayaw kong nagkukwento dito, e!
As if on cue, nakita naming papalapit ang tatlo dito sa lamesa namin. Tinago naman ni Olivia ang rose na hawak niya kanina.
"Wow in demand ah." puna ko sa mga rose na hawak ni Ivan.
Naupo sa tabi ko si Knight.
"Hey."
"Hi." naiilang na sabi ko.
I don't know why I'm suddenly conscious around Knight. Dati naman ay wala akong pakealam kahit nandyan siya.
Wala nga ba?
Teka, bakit ko ba tinatanong sarili ko?
"Hindi lahat sa akin 'to. Kay boss Knight halos. Ayaw niya kasing kuhanin kaya ako na lang kumuha. Pwede ko pang irecycle at ibigay sa date ko mamaya." ngisi niya.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...