16

241 43 534
                                    

Nandito kami ngayon sa Library. Malapit na kasi ang finals kaya naman napag-desisyunan naming mag advance reading.

Tahimik akong nagbabasa ng libro tungkol sa Organic Chem. Sina Olivia at Ivan naman ay nagbabasa tungkol sa mga major subjects nila. Si Kevin ay nagbabasa tungkol sa isang libro na wala namang kinalaman sa course niya at si Knight naman, na nasa tabi ko, ay naglalaro lang sa cellphone niya.

Confident ang lolo niyo.

"Sa tingin niyo may nag-eexist talagang Aliens? Alam niyo 'yon? Mga galing sa ibang planeta o kung saan mang lupalop." biglang tanong ni Kevin habang nakatingin pa rin sa librong binabasa niya.

Bigla namang naubo si Knight kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mabubuko ako dahil sa kaniya e!

It's been a week since the incident at the Party and ever since then, Knight has been nothing but protective--and paranoid.

"Why can't I see my reflection in your eyes?" naguguluhang sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nawala ang ngiti ko at nanghihinang napabitaw sa kaniya.

"Y-you can't see your what?" kinakabahang tanong ko.

"Matagal ko na--"

Natapos na ang kanta kaya nagsimula nang magsibalikan ang mga tao sa upuan nila. Hinawakan ko ang kamay ni Knight at hinila siya papunta sa tagong parte ng venue.

"Saan kayo pupunta, ha? Don't forget to practice safe s--" hindi na natapos ni Kevin ang sasabihin niya dahil hinila na siya ni Olivia.

Napairap ako habang hila hila pa rin si Knight. Nang masiguro kong wala ng tao ay binitawan ko na si Knight at hinarap siya. Mukha siyang naguguluhan dahil sa bigla kong paghila.

"Ano 'yong sinasabi mo kanina?" I asked.

He sighed.

"Matagal ko nang napapansin kapag tumitingin ako sa mata mo. It's not totally gone but my reflection in your eyes it...it looks like it's fading. Bakit gano'n, Eve? Ayos ka lang ba?" concern is laced in his voice.

Fading?

Lumapit ako sa kaniya. I stared directly at his eyes. Wala naman akong nakikitang kakaiba doon gaya ng sabi ni Liam na makikita ko kapag nakatingin ako sa mata ng isang glitch.

What could this possibly mean?

"Can you take me somewhere? I'm gonna tell you a secret and I want it to stay between you and I only." I stared at him with hope in my eyes.

"Okay" bumuntong hininga siya at hinila ako palabas.

Nang matapat kami sa motor niya ay tinanggal niya ang coat na suot at iniabot sa akin. Tinignan niya ang gown na suot ko.

"It's okay I can handle it." itinaas ko ang gown ko at uupo na sana nang pigilan ako ni Knight. "Ano na naman?"

Tinaas niya ang upuan ng motor at may kinuha doon. Hinagis niya sa akin ang isang jogging pants.

"Suotin mo 'yan bago kita pasakayin sa motor ko." kunot noong sabi niya.

Sinuot ko na lang ito at sumakay na sa motor niya. Dumaan muna kami sa gotohan dahil hindi raw siya nabusog sa mga handa sa Party. Tinake-out namin 'yon at umalis na agad.

Natigilan ako nang makita kung saan niya ako dinala.

"Your special place." bulong ko.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon