22

216 35 583
                                    

83 days before the arrival of the Millet Comet.

Less than 24 hours before the night of the eclipse.

"Luz mía, why don't you try this one. This is your favorite, right?" nakangiting sabi ni Sir Enriquez habang nilalagyan ng steak ang pinggan ko.

This is not my favorite. Ang paborito ko 'yong luto ni Knight.

"Kilalang kilala mo talaga si Everleigh, Manuel." halakhak ni Papa.

Napatingin ako sa mga tao sa hapag. Nakangiti si Mama at Papa na halata mo namang sumisipsip lang kay Sir Enriquez. Magiliw naman itong nakangiti habang pasulyap sulyap sa akin. Hindi ako malilinlang ng ngiting 'yan. Napatingin naman ako kay Leon. Walang emosyon lang itong kumakain.

Ito ba talaga ang gusto niya?

"I heard you resigned already, Manuel." nakangiting sabi ni Mama.

"Yes. In preparation for the wedding."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa ngunit agad ko 'yong binawi. Ngumisi lamang siya habang nakita ko naman ang dismayadong mga mukha nila Mama.

Agad na iniba ni Mama ang topic. Nalaman kong namatay na pala ang asawa ni Sir Enriquez. Kung ano ang dahilan ay hindi ko nalaman. He is also half Spanish kaya naman pala may pagka Hispanic ang buong mansyon. Mababakas mo rin ito sa itsura niya. Siguro ay matanda lamang siya ng lima o higit pang taon kay Papa ngunit hindi mo naman ito mahahalata.

"So when's the wedding?" panimula na naman ni Mama.

"Luz mía is the one who's gonna decide. Right?" humarap ito sa akin nang may ngiti sa labi.

It doesn't look genuine to me. It looks creepy. Para bang maraming itinatago ang ngiting iyon.

"Wala pong kasal na magaganap." words came out of my mouth na para bang ito rin ang gusto niyang sabihin.

"We are not doing this again, Everleigh." mariing bulong sa akin ni Papa sa tabi ko.

Nagulat kami nang humalakhak si Leon.

"Finally doing the right thing, huh?" sarkastikong sabi nito.

"Cállate, Leon!" his voice thundered inside the room.

Hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaniyang Ama. Umiling ito at padabog na umalis ng hapag kainan.

"I'm sorry about that."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Hindi na muna ako sumubok magsalita ulit dahil biglang naging mabigat ang tensyon sa hapag kainan. Pagkatapos naming kumain ay nag-aya sa veranda si Sir Enriquez. I am offered wine but I refused.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Mama palayo doon.

"Everleigh what was that about?" may diin na sabi ni Mama nang makalayo kami.

"Ayaw ko pong ikasal sa kaniya."

"You don't have a choice Everleigh. We don't have a choice." problemadong sabi nito.

Napatingin ako sa kaniya.

"Paano niyo po nasabi 'yan? Meron po tayong choice kung pipiliin lang na--"

"Pwede kaming makulong ng daddy mo. Meron kaming utang sa kaniya na hindi namin kayang bayaran."

"Kaya 'yong anak niyo ang ipambabayad niyo?" hindi makapaniwalang sabi ko.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon