They say that the Universe always falls in love with a stubborn heart.
That's why magic happens when you do not give up, even though you want to. Even if the world conspires against you.
"Ate okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala diyan." kunot noong tanong ni Vicky.
Nandito pa rin kami sa kwarto ko. Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi ko alam kung anong nangyari at nandito na ako ulit sa mundo ko. Bigla akong napatingin kay Vicky at agad ko siyang hinila para yakapin.
Namiss ko 'tong bruhang 'to.
"Anong hinithit mo, Ate?" sabi ni Vicky habang yakap ko siya kaya binitawan ko na.
"Nasaan si Auntie?"
"Nasa labas sila ni Aling Lidia." nawiwierduhan pa rin nitong sabi.
Agad akong tumayo at lumabas para hanapin si Auntie. Nakita ko itong nakaupo habang nagpupunas ng mga pinggan.
"Auntie." lumapit ako para yakapin siya.
Home is really not a place. It's a feeling that I'm lucky enough to experience both in my world and in his.
"Anong nangyayari sa'yo, Eve? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Auntie habang hinahagod ang likod ko.
"Ang weird mo Ate, totoo man. Kung 'di lang kita kilala pakiramdam ko may kambal ka na tapos nagpapalit kayo kasi paiba-iba kilos mo." kunot noong sabi ni Vicky.
Natigilan ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at tumulong sa pagpupunas ng ilang pinggan.
"Ano bang naging ugali ko?"
"Noong nakaraang buwan nagwala ka tapos ilang araw kang nagkulong sa kwarto mo tapos isang araw bigla ka lumabas na parang walang nangyari. Gusto mo rin lagi akong katabi kasi sabi mo takot ka na mag-isa. Tumatanggap ka na rin ng nagpapa make-up kahit alam kong hindi ka naman marunong pero marunong ka pala?" naguguluhan niyang sabi.
"May napansin akong kakaiba, Ate. Umamin ka nga sa akin." seryosong sabi nito kaya bigla akong kinabahan.
Alam na kaya niya?
"A-ano?"
"Nagdadrugs ka ba Ate?" seryosong tanong nito.
Napabuntong hininga naman ako at binatukan si Vicky.
"Ikaw bata ka kung ano anong nalalaman mo ah. Dapat sayo naglalaro ka pa ng Chinese garter at piko hindi 'yung kung ano ano na sinasabi mo." pangaral ko dito.
"Matanda na kaya ako Ate. Pwede na nga ako magpaligaw, e."
"Ililigaw talaga kita subukan mo lang." tinutukan ko pa siya ng sandok.
"Biro lang Ate 'to naman. Dapat mag boyfriend ka na kasi Ate para hindi ako lagi mo pinagdidiskitahan." umirap ito.
Natahimik ako.
Kamusta na kaya si Knight? Hindi ko man lang siya nakita bago ako napunta dito.
Bigla akong natigilan nang may maalala. Ang sabi ni Liam ay kapag natapos na ang misyon ko tsaka lamang ako makakabalik dito sa mundo ko. At kapag nakabalik ako ay wala akong maaalala kahit ano tungkol sa mundong 'yon pero bakit naaalala ko pa rin ang lahat?
Kung hindi pa tapos ang misyon ko, bakit nakabalik na ako dito?
Pumasok ako sa kwarto at hinanap ang notebook kung saan ko isinulat ang lahat. Nakita ko ito sa loob ng cabinet at pagkabukas ko ay nakitang halos mapuno na iyon ng mga sulat niya.
BINABASA MO ANG
To Get To You
कल्पित विज्ञानDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...