Trigger Warning: Self-harm
Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko maiwasang isipin ang buhay ni Knight dito sa mundong ito.
Mayaman.
Buo ang pamilya.
Kabaliktaran ng buhay niya sa mundong iyon.
Pero alam ko na kahit ganoon ang buhay niya ay masaya si Knight kahit sila lang ng Mama niya ang magkasama.
Ang Knight kaya dito masaya rin?
"Auntie nasaan po si Aling Lidia?" tanong ko nang makita si Auntie at Vicky sa labas ng bahay.
"Nasa loob siya. Inaayos ang mga order na luto. Mabuti pa at tulungan mo siya doon." binigay ko na kay Auntie ang binayad para sa pagkain at pumasok sa loob.
Naabutan ko si Aling Lidia na nagsasandok ng kanin at ulam. Lumapit ako para tulungan siya.
"Aling Lidia diba dati niyo pong kasamahan 'yong mga kasambahay sa mansyon na iyon? Ibig sabihin nagtrabaho rin po kayo doon?" tanong ko habang nagsasandok ng kanin.
"Oo Eve kaso ay nakasama ko sila noong naninilbihan kami sa ibang bahay at hindi doon sa mansyon. Pero may isang beses na nakapunta ako doon dahil kinailangan ni Rosa ng kapalit dahil hindi siya makakapaglaba ng isang araw. Bakit mo naitanong?"
"Kilala niyo po ba mga nakatira doon?" kuryosong tanong ko.
"Hindi ko sila nakilala Eve. Madalas kasing wala ang pamilyang nakatira doon. Hindi rin naman namin napagkukwentuhan kaya wala akong alam." sagot ni Aling Lidia at lumabas na.
Now how will I get an information about that Knight?
Wednesday ngayon at dahil half day kami ay naisipan kong pumunta sa Subdivision.
"Saan ka na naman ba pupuntang babae ka at dinamay mo pa ako?" tanong ni Grace habang nagmamaneho.
"Basta. May kailangan lang akong malaman." sagot ko habang nakatingin sa labas.
Sinubukan kong pumunta dito noong isang araw kaya lang ay hindi ako nakapasok. Bukod sa iba na ang guard na nagbabantay ay hindi talaga sila nagpapapasok basta basta lalo na kung walang tawag mula sa may-ari ng bahay. Ayaw ko namang abalahin na patawagin sila Manang dahil sisilip lang naman sana ako. Gusto ko lang siyang makita. Kaya naisipan kong dalhin si Grace baka kasi sakaling papasukin kami dahil naka sasakyan siya.
"Pasensya na po Miss hindi po namin kayo pwedeng papasukin. Wala po kayong sticker." bungad sa amin noong Guard.
"Bisita naman po kami Kuya. Saglit lang naman po kami sige na. Ang gwapo gwapo niyo pa naman Kuya." gusto kong matawa sa pambobola ni Grace kaya lang ay pinigilan ko. Baka hindi kami lalong papasukin.
"Naku ilang beses ko na po 'yan narinig, Miss." mayabang na sabi ni Kuya.
Napangiwi naman si Grace.
"Kaya nga po papasukin niyo na kami Kuya. Mas lalo kang gagwapo kung pinagbigyan mo kami." walang kwentang katwiran ni Grace.
"Pasensya na po pero bilin po sa amin ay huwag magpapasok ng kahit sino. May importante po yatang pagtitipon sa isa sa mga mansyon. Subukan niyo nalang po bumalik sa ibang araw."
"Ganoon po ba? Anong klaseng pagtitipon 'yon Kuya?" hindi ko na napigilang sumingit.
"Hindi ko rin po alam. Sige na po. Bumalik nalang kayo sa ibang araw."

BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...