3

411 72 793
                                    

1:15 pm

Iyan ang oras nang magising ako dito sa pamilyar na kwarto ko.

Dali dali akong tumayo para makapunta sa Library.

"Halos kadarating mo lang ay aalis kana agad?" sabi ni Auntie pagkatapos kong magpaalam.

"May pupuntahan lang po ako Auntie tapos didiretso na rin po ako sa trabaho ko." paalam ko at lumabas na ako para makapunta na sa Campus.

Ayaw pa akong papasukin ng guard dahil hindi ako nakasuot ng uniform. Mabuti nalang at dala ko ang ID ko kaya sabi ko ay may kukuhanin lang ako na naiwan ko.

Pumunta agad ako sa Library at hinanap iyong libro na kailangan ko. Naupo na ako sa may sulok at nagsimula nang magbasa.

"The idea is that each choice every person makes, each leading to a different result, both occur, so when a person decides between to jump on the bridge or not, two universes are created: one where that person chose to jump, and another where that person chose not to jump. The concept of "sidewise" time travel, is used to allow characters to pass through many different alternative histories, all descendant from some common branch point." --Murray Leinster

So that explains why everything in the world of the other 'me' is completely different with mine. Because for every choice we make, there are different alternative outcomes.

Pero bakit may mga pareho pa ring bagay gaya nang si Cathy ay nagtatrabaho pa rin sa convenience store. Si Olivia ay mayaman pa rin. Doon pa rin ako sa eskwelahan ko nag-aaral. Pareho rin ang librarian at yung mga school guards.

I thought there will be different outcomes for different universe?

Mas lalo lamang dumami ang mga katanungan sa isip ko.

Ano ang dahilan bakit nakakapunta ako sa ibang dimension?

And where is the other 'me'?

Nakatulala ako dahil sa pag-iisip nang mahagip ng paningin ko ang isang taong nakatitig sa akin hindi kalayuan sa inuupuan ko. Nakatakip ng hood ang mukha nito pero alam kong nakatitig siya sa akin. Agad naman itong tumayo at lumabas nang makita akong nakatingin sakanya.

Weird.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa mapagdesisyunan ko nang pumasok sa trabaho.



Buong linggo ay naghintay lamang ako kung magigising na naman ba ako na nasa ibang dimension na. Kaya lang ay lumipas na ang dalawang linggo at wala pa ring nangyayari.

"Eve ano ba ayusin mo naman! Kapag ako natalo ikaw talaga sisisihin ko!" maarteng sabi ni Veronica iyong kaklase namin na napiling pambato ng buong freshmen.

Foundation day namin ngayon at ako ang naatasang maging PA slash utusan nitong si Veronica. Nagpapatulong kasi siya sa pagsuot ng sapatos kaya lang ay masyado itong masikip kaya hindi magkasya sakanya kaya naman pinagsiksikan ko talaga.

"Ayaw mo bang magpalit na lang ng ibang sapatos? Baka maaksidente ka pa dahil dito. Ang sikip sikip na oh." pangangatwiran ko habang pinipilit pa ring isuot iyong sapatos.

"Are you saying that I'm fat kaya hindi magkasya sa akin ang sapatos?!" bahagya niyang sinipa ang kamay ko.

Luh? Bakit ba ang hilig dagdagan ng mga tao yung sinasabi ko sakanila.

I sighed. "Wala akong sinabing ganoon Veronica. Ang sa akin lang ay mas maiging magsuot ka ng kung ano ang komportable para sa'yo. Marami pa namang magagandang sapatos diyan na babagay sa iyo."

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon