"Leon."
"Bakit? Nasaan ba ang Kuya Leon niyo?"
"Dalawa lang kaming magkapatid ni Clarisse. Wala kaming kilalang Leon."
"Ibig sabihin--"
"Eve? Ayos ka lang? Eve? Shit! Namumutla ka. Eve--"
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang liwanag. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang mapagtanto kung nasaan ako.
Ang huli kong natatandaan ay ang naging usapan namin ni Von tungkol kay Leon. Pagkatapos no'n ay nawalan na ako ng malay.
Inilibot ko ang paningin sa pamilyar na pink na kwarto.
Nandito na naman ako sa mundong 'to.
Dali-dali akong tumayo para mapuntahan si Knight nang mapatigil ako dahil sa lalaking pumasok sa kwarto.
May apron pa siyang suot at magulo rin ang buhok na parang kakagising niya lang din.
"Aldrin?" nagtatakang tanong ko.
Ang alam ko ay hiwalay na sila. Bakit siya nandito kung gano'n?
"Sorry kung pumasok na ako. Iche-check ko lang sana kung ayos na ba pakiramdam mo." napakamot pa siya sa ulo niya na parang nahihiya.
"Ayos na ako." ngiti ko sa kaniya.
Nagtungo ako sa closet para maghanap ng jacket. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.
"Aalis ka?" parang batang tanong niya sa akin habang nakasunod pa rin.
"Oo. May pupuntahan lang ako."
"Baka mabinat ka? Mabuti nga at ako ang nakakita sa'yo nang mahimatay ka. Kain ka muna kaya." sunod-sunod na sabi niya.
Kinuha ko ang jacket na kulay gray at sinuot 'yon bago hinarap si Aldrin.
Agad niyang tinaas ang dalawang kamay niya. "Concerned lang naman ako. As a friend."
Hindi ko mapigilang matawa nang bahagya. Sinunod ko na lang din ang sabi niyang kumain muna.
"Saan mo ako nakitang nahimatay?" tanong ko sa kaniya habang hinihigop 'yong soup na ginawa niya.
Maalam din pala sa kusina 'tong isang 'to.
"Palabas sa pinagtatrabuhan ko. Hindi mo naalala? Saktong lalapitan sana kita para kausapin kaso bigla ka na lang nahimatay." kunot noong sabi niya habang humihigop din ng soup.
"Salamat sa pagdala mo sa'kin dito."
Tinitigan niya ako. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay masasabi kong mahal niya talaga ang Eve na nasa mundong 'to.
"Huwag mo naman sanang pabayaan sarili mo, Everleigh. Kahit 'yon na lang sana. Kahit hindi mo na ako balikan ayos lang basta huwag mong pababayaan sarili mo." seryosong sabi niya.
Love is really both selfish and selfless.
Selfish because it makes you wanna own the person.
And selfless because it will sometimes be 'you before me'.
Alam kong hindi para sa'kin 'yong sinabi niya pero hindi ko maiwasang mapangiti.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...