28

192 34 674
                                    

Nakaharap ako ngayon dito sa salamin habang inaayusan. Itim na gown sana ang susuotin ko kaya lang ay ayaw ni Enriquez kaya pina dark ko na lang ang make-up ko. Mukha tuloy akong nagluluksa kaysa ikakasal.

Sinenyasan ko si Liam na nakatayo sa tabi ko. Tinitigan lamang ako nito pabalik na parang hindi nakukuha ang ibig kong sabihin. Napairap ako.

"Okay na 'yan. Labas muna kayo para makapag-isa muna si señora." sabi nito sa mga nag-aayos.

Kinikilig namang tumango ang mga ito bago lumabas.

Hindi ko alam kung paano nakapasok si Liam dito at talagang siya pa ang ginawang personal bodyguard ko kapalit ni Bj.

"Naks. Iba talaga kamandag ng isang Martian." pagbibiro ko.

Umirap lang ito at naupo sa tapat ko. Tinitignan niya ang mga nakakalat na make-up doon.

"Hindi pinapapasok dito mga magulang mo. Siguro bilin ng mapapangasawa mo dahil baka itakas ka." nakangising sabi nito kaya napangiwi naman ako.

Tinignan niya ang relo at nagtungo sa pinto. Pumasok doon ang mga taong hindi ko inaasahang pupunta dito.

"Humingi ako ng tulong sa kanila. Alam na rin nila lahat tungkol kay Enriquez." paliwanag ni Liam.

"Gosh, Eve! Kinikilabutan ako tuwing naiisip ko na ikakasal ka kay Sir Enriquez." nakangiwing sabi ni Olivia at nilapitan ako para yakapin.

"Sinong pinaglalamayan natin, Eve?" pagbibiro ni Kevin.

"Si Enriquez." walang ganang sagot ko.

"Pucha kung alam niyo lang kahihiyang ginawa ni itlog. Namali kami ng simbahang pinuntahan kaya nag-eskandalo doon. Hinila ba naman yung bride kasi akala niya si Eve." natawa kaming lahat sa sinabi ni Ivan.

"Malay ko ba? Matanda rin 'yong groom kaya akala ko si Enriquez."

Napahilot na lang kami sa mga sentido namin dahil kay Kevin.

"Nakita niyo na ba si Knight?" I asked in a hopeful voice.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay umiling. Napabuntong hininga na lang ako.

May kinalaman kaya si Enriquez sa pagkawala ni Knight?

"Lumabas na kayo. Oras na." biglaang sabi ni Liam.

"Wait lang bakit sila aalis? Akala ko ba itatakas niyo ako?" kunot noong tanong ko.

"Trust us, Eve. We have a better plan. Hindi naman naming hahayaan na maikasal ka doon sa halimaw na 'yon kaya kailangan na nilang umalis at ikaw din bago pa siya makahalata." paliwanag ni Liam.

Hindi ko alam kung ano ang plano nila pero magtitiwala na lang ako. Umalis na sila Olivia dahil may susunduin pa raw sila--kung sino 'yon ay wala akong ideya. Hindi ko alam kung bakit si Liam din ang naghatid sa akin papunta sa simbahan.

Pinagbukasan ako ni Liam ng pinto at bumaba na ako. Wala man lang ako kilalang ni isang tao dito.

"Nasaan sila Mama? Akala ko ba nandito na sila?" tanong ko at nagpalinga-linga sa paligid.

Hindi na ako nasagot ni Liam nang magsimula na kaming tawagin para pumila na. Ako ang nasa pinakadulo.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang plano nila Liam. Naging balisa na rin ito at patingin-tingin na sa labas at sa relo niya.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon