35

224 31 1K
                                    

The arrival of Millet Comet.


Naramdaman ko ang pag-uga ng sinasakyan namin. Nang malaman ni Enriquez na parating ang mga Pulis ay agad niyang inutusan ang mga tauhan niya na kailangan naming lisanin ang mansyon.


Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon dahil may nilagay silang takip sa buong mukha ko.


Naramdaman ko na lang na huminto ang sasakyan kasabay ng marahas na paghila sa akin palabas. Narinig ko rin ang pagbukas ng tila bakal na pinto.


Halos mapangiwi ako sa sakit nang ihagis ako sa malamig na sahig.


"Magbantay kayo sa labas!" utos ni Enriquez sa mga tauhan niya.


Nang makalabas ang mga tauhan niya ay nakarinig ako ng yabag papunta sa akin. Tinanggal niya ang telang naka-takip sa mukha ko kaya nakita ko ang paligid.


Para itong isang gusali na hindi natapos gawin.


Natigilan ako nang makita ang pamilyar na lalaki sa kabilang dulo nito. Puno ng sugat at dugo ang buong katawan niya. Nakahandusay lang siya doon na parang hindi na humihinga at naliligo sa sarili niyang dugo.


"Leon!" sigaw ko pero hindi pa rin siya gumalaw.


Tinignan ko nang masama si Enriquez. Naglalakad siya pabalik-balik at mukhang hindi mapakali.


"Anong ginawa mo kay Leon?! Hayop ka talaga! Wala naman siyang kasalanan bakit kailangan mo siyang idamay?!" galit na sigaw ko sa kaniya.


Dahil may gapos pa ang mga kamay at paa ko ay gumapang ako na parang uod papunta sa kinaroroonan ni Leon.


Bahagya ko siyang niyugyog gamit ang paa ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mapadaing ito pero hindi pa rin namulagat.


"Kasalanan niya 'yan dahil masyado siyang nakikisawsaw." bumaling siya sa akin "At ikaw. Hindi pa 'ko tapos sa'yo."


Mabilis siyang naglakad papunta sa akin at muli na naman sana akong sasakalin nang magsalita ako.


"Von, Clarisse." banggit ko sa pangalan ng mga anak niya.


Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Sinamantala ko 'yon para kalagan ang tali ng kamay ko sa likod.


"Ayaw mo ba silang makasama ulit?" tanong ko habang patuloy pa rin sa paggalaw sa mga kamay ko.


Halos magbunyi ako nang matagumpay kong natanggal ang kamay ko mula sa pagkakatali.


"Hanggang bukas na lang naman tayo dito sa mundong 'to. Makakasama mo na rin sila." sabi ko


"Mahirap ako doon. Wala akong kwentang tao doon." pati rin naman dito "Hindi ako ginagalang doon. Dito ay may pangalan ako at reputasyon--"


"Na sinira mo rin naman." hindi ko na napigilang sumingit.


"What did you just say?" mariing tanong niya.


"Totoo naman 'di ba? Kung tutuusin ang swerte mo naman sa parehong mundo. Pareho kang may pamilya na mahal ka pero anong ginawa mo? Nagpaka-sakim ka. Hindi ka nakuntento sa kung anong meron ka dahil makasarili ka, Enriquez."


"Wala kang alam." hinawakan niya nang mariin ang pisngi ko.


"Wala kang kwentang tao. Nandito ka man sa mundong 'to o sa mundo natin. Pinapairal mo pagiging makasarili mo kaya wala kang pakealam kung may matapakan ka mang ibang tao. Kaya anong mangyayari? Inosenteng tao ang magbabayad sa mga kahayupang ginawa mo."


To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon