Nagising ako sa tunog ng isang alarm. Hindi ako 'yong tipong nag-aalarm kaya alam ko na kung nasaan ako ngayon. Bumangon ako at agad na napadaing sa sakit ng katawan.
Para akong tumakbo ng sampung kilometro!
Inaantok na nagtungo ako sa banyo para makaligo na. Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako at nagtungo na sa Campus para hindi ako mahuli sa klase.
Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Knight sa kabilang dulo nito. Naglalakad siya papalapit sa direksyon ko.
Relief washed over me ngayong nakita ko na siya.
I gave him a small smile but he just looked at me coldly. Nawala ang ngiti ko nang lampasan niya lang ako.
Anong problema nito?
Lunch time na ngayon kaya nandito kami ni Olivia sa cafeteria. Daldal siya nang daldal pero hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng kasama ni Knight habang kumakain. Seryoso siyang nakikinig dito habang masayang masaya namang nagkukwento 'yong babae.
Kaya pala nagkakalimutan na.
"Ganda ni Tanya 'no? Bagay sila." mapanuyang sabi ni Olivia nang mapansin ang tinitignan ko.
Nagkibit balikat lamang ako.
Nagtama ang paningin namin ni Knight. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy na sa pagkain.
"Salty." hagikgik ni Olivia.
I rolled my eyes at her.
"Hi Eve-" napadaan sa lamesa namin si Kevin at Ivan. Akmang kakaway sana ito kaya lang ay tinakpan ni Ivan ang bibig niya at hinila papunta sa lamesa nila Knight.
Kumunot ang noo ko.
"Problema nila?" tanong ko kay Olivia.
They are acting weird. Nawala lang ako ay nagkaganyan na sila.
Tumingin naman sa akin si Olivia na parang nawiwierduhan.
"You told them to stay away from you, remember?" natigilan ako. "I don't know your reason Eve and I hate to say this but I can't understand you no matter how much I try. Masaya pa lang tayo no'ng minsan and then the next day you're gonna tell them to back off." kunot noong sabi niya.
I will never say that to them.
I fought the urge to go to them and say sorry because I remembered Liam's words.
"It's for the better." I whispered.
Tapos na kaming kumain ni Olivia at nagliligpit na kami ng pinagkainan nang may lumapit sa amin.
"Eve can we talk?" sabi ng lalaking pamilyar sa akin.
I squinted my eyes, trying to remember where I saw him.
"Aldrin?"
If I'm not mistaken, he is her ex.
"Eve, please. We really need to talk." sabi niya habang aligagang lumilingon sa paligid.
"I'm sorry pero wala na tayong dapat pag-usapan."
Sinagot ko siya gaya ng kung paano sinasagot ang mga ex sa napapanood ko.
"Why don't you fucking listen to me first?! Ilang araw mo na akong iniiwasan!"
Nagulat ako nang mariin niyang hawakan ang braso ko at niyugyog ako nang malakas. I heard some gasped mula sa mga tao sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...