32

217 30 957
                                    

Without the chains and cuffs, can you really say you're free?


"Anderson, may dalaw ka." narinig kong tawag ng Pulis. Naupo ako sa bakanteng upuan at doon naghintay.


If truth really sets us free, why am I still locked up in the past?


Napatingin ako sa paligid. Kasama ngayon ng ilang preso ang mga pamilya nila. Masaya silang kumakain at nagkukwentuhan.


Hindi ko maiwasang mapangiti.


They may be chained by the justice system but they still get to experience freedom with their families.


And then a word came into my mind--Acceptance.


Dumako ang tingin ko sa lalaking inaalalayan ng dalawang Pulis papunta dito. Malayo ang itsura niya mula noong huling kita ko sa kaniya. Pumayat ito at pumuti na ang buhok niya. Halata mo rin sa mga mata niya na hindi siya nakakatulog nang maayos.


Bakas ko ang pagkadismaya niya nang makitang akong ang dumalaw sa kaniya sa halip na ang pamilya niya. Tatalikod na sana ito nang magsalita ako.


"Tatakas ka na naman po ba? Ilang taon na po ba kayong tumatakas?" tanong ko na nagpatigil sa kaniya.


Bumuntong hininga siya bago pumihit papunta dito kung saan ako naupo.


"Dalawampung minuto lamang kayo pwedeng mag-usap." sabi ng Pulis at iniwan na kami doon.


"What do you need?" naka-iwas tinging sabi niya.


Nilagay ko sa lamesa ang pagkaing pinadala ni Tita Helen at marahang tinulak 'yon palapit sa kaniya.


"Kain po muna kayo." walang emosyong sabi ko.


"I don't li--"


"Pinadala po 'yan ni Tita Helen."


Pinuntahan ko si Tita Helen sa kanila kaya lang ay hindi niya ako hinarap. Masyado raw siyang guilty sa ginawa ng asawa niya. Alam ko ay hindi pa nila nadadalaw ni Mikhail si Sir Agustus magmula nang makulong ito. Paalis na sana ako sa kanila nang inabot sa'kin ng isang kasambahay 'tong pagkain para kay Sir Agustus.


Nakitaan ko ng lungkot ang mga mata ni Sir Agustus bago binuksan ang lalagyan ng pagkain. Nagsimula na siyang kumain na para bang ilang araw siyang hindi nakakain nang maayos.


Pinigilan ko ang sariling maawa sa kaniya. Pinasok ko sa isip ko na 'tong taong kaharap ko ngayon ang walang-awang nagpapatay sa mga magulang ko.


"Tubig po." iniabot ko sa kaniya ang isang bottled water na agad niya naman kinuha at ininuman.


Naiinis ako sa sarili ko.


Naiinis ako dahil hindi ko maiwasang isipin si Papa habang nakatingin kay Sir Agustus. Naiinis ako dahil mas namamayani ang awa na nararamdaman ko sa kaniya kaysa sa galit.


Natigilan siya sa pagkain nang makita niya akong umiiyak.


"You shouldn't have come here." he said, guiltily.


"Pumunta po ako dito para sa sarili ko. Gusto ko na pong makausad nang malaya. Hindi ko po matatanggap kailanman ang ginawa niyo sa mga magulang namin. Gusto ko lang pong tanggapin na kahit anong galit ang maramdaman ko para sa inyo, hindi na nito maibabalik ang mga magulang ko at ang anak niyo."


The truth will only set us free once we've learned how to accept it.


Yumuko siya at tinakip ang dalawang kamay sa mukha. Narinig ko ang paghikbi niya.


To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon