Epilogue

262 35 1.2K
                                    

This chapter is dedicated to all of you. Thank you for reaching this far. This cat loves you.


"Eve, gising ka na." naramdaman ko ang marahang pagyugyog sa akin kaya nagising ako.


Tinignan ko ang paligid at nakitang nakatulog pala ako sa library.


"Umuwi ka na kaya, Eve. Wala ka naman ng klase, 'di ba?" tanong ni Grace habang nakatayo sa tabi ko.


Napatingin ako sa orasan at nakitang pasado alas-kwatro na!


"Shit! I have to go already." nagmamadaling sabi ko at inayos na ang mga gamit para makaalis na.


"Taray nag-masters lang may pa English na." halakhak ni Grace.


Binigay niya sa akin 'yong isang milk tea na hawak niya.


"See you na lang bukas, Grace. I really have to go." I said, apologetically.


"Oo na naiintindihan ko naman, Ma'am. Kita-kits na lang bukas and say hi to him for me." ngiti ni Grace.


"I will." I kissed her cheeks and immediately stormed my way out from the library.


May mga estudyanteng bumabati sa akin habang naglalakad ako kaya nginitian ko naman sila pabalik. Hinarang ako ng mga estudyante kaya kahit nagmamadali ay in-entertain ko sila.


"Ma'am Villanueva, kasama po ba kayo sa magiging panel kapag nag-defend kami?" tanong ni Aira, isa sa mga estudyante ko.


"Of course, Aira I'm your dean. Questions about the defense will be entertained this Monday. May kailangan pa akong puntahan kaya maiwan ko na kayo." ngumiti ako sa kanila at tumalikod na.


"Hala balita ko perfectionist si Ma'am. Sigurado akong magigisa tayo nito." narinig ko pang sabi ni Abby, isa ko ring estudyante.


Napangiti ako habang naglalakad.


I took my Masters in Pharmacy one year after I passed and topped the boards.


I am now working as a part-time professor here at my Alma mater while owning a drug store where obviously--I'm the Pharmacist.


I was supposed to go to a med school since that was my original plan but something happened. Maybe I'm gonna try to pursue it again someday. Just, not now.


For now, I'm gonna focus with my family. With him.


"Shit!" mahina akong napamura habang tinitignan kung gaano ka-traffic sa daraanan ko.


Nag-play na lang ako ng music sa sasakyan para kahit papano ay kumalma naman ako.


Malapit lang naman ang bahay namin sa Univ. kaya kahit traffic ay mabilis naman akong nakauwi. Hindi ko na pinasok ang sasakyan dahil aalis naman ulit ako.


"Nasaan po siya, Auntie?" tanong ko kay Auntie na nagdidilig ng mga halaman niya.


"Nasa taas, Everleigh. Kanina pa siya naghihintay baka nagtampo na 'yon." sabi ni Auntie habang nakatingin sa akin.


Nang kumikita na ako, una kong pinag-ipunan ang pampa-opera ni Auntie. Hindi naman ito inborn kaya nadala sa operasyon at ngayon ay nakakakita na siya.


Dali-dali akong umakyat ng hagdanan at pumasok sa isang kwarto kung saan nakita kong nagbabasa ang kaninang pang naghihintay sa akin.


"I'm sorry, baby nakatulog lang si Mommy. Tara na bago tayo abutin ng gabi?" ngumiti ako at tumabi sa gilid niya.


To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon