12

250 47 866
                                    

Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingin sa dalawang kabaong na nasa harapan ko.

Maraming tao ang nakikiramay sa pagkamatay ng mga magulang namin. Mga hindi namin kilalang politiko, businessman, at mga naging katrabaho nila Mama at Papa. Kung ano ano ang sinasabi nilang salita para pagaanin ang loob namin ng kapatid ko pero lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ko.

Ang daya niyo naman Ma, Pa. Sabi niyo po marami pa tayong pupuntahan nang magkakasama pero paano na po ngayon?

Ilang oras na akong nakatunganga doon. Hindi ko na nga nararamdaman ang pag-agos ng mga luha sa aking pisngi.

May naramdaman akong tumabi sa akin ngunit hindi ko magawang lumingon.

"I'm sorry." mababang boses na sabi ng lalaking tumabi sa akin.

Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa harapan ko.

"Bakit ka nagso-sorry?" walang emosyong tanong ko.

"Because of what happened to your parents." he sighed.

Kumunot ang noo ko.

Bakit siya humihingi ng tawad?

"Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanila. Mahirap mang tanggapin pero may mga bagay na nakatakda na talagang mangyari kahit ano mang pigil ang gawin nating huwag mangyari 'yon. At isa 'to sa mga bagay na 'yon."

My mother will always tell me that 'what is meant to happen, will happen'.

"But they shouldn't have died if only my..." naramdaman kong nahihirapan siyang ituloy ang nais sabihin.

Ilang sandali pa kaming natahimik doon. Ako nakatitig sa kawalan, siya nakatitig sa akin.

"In another life, I really hope that you'll get to be with them until they are grey and old. I hope that in another life, you will be able to fulfill your dreams with them." mahinang sabi niya.

Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha na akala ko ay naubos na.

"Brian let's go. Mom and Dad are already waiting outside." baritonong boses nang nagsalita.

Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang panyo doon.

"I hope we can meet each other again. When the circumstances are different and when time already allows us."

He started walking away. And for the first time, I lifted my eyes to look at him. My vision was blurry because of my tears but I saw him smile at me for the first and last time.

"My brother will always look at you from afar. Specifically from that tree." tinuro ni Mikhail ang puno hindi kalayuan sa puntod nila Mama.

Dinala ako ni Mikhail dito sa sementeryo.

Kaya pala pamilyar ako sa kanila ni Sir Augustus ay dahil kay Knight. Dahil sa pagtulong niya sa amin kahit hindi ko naman alam.

"He would always come a little early to place the flowers at the tomb of your parents. And he would hide behind that tree to wait for you and watch your reaction."

"Bakit hindi niya ako nilapitan?"

"I don't know. My brother just said that he is already contented with that."

Sabi ni Mikhail ay si Knight daw ang naglalagay ng mga bulaklak noong unang dalawang taon na wala na ang mga magulang ko. Noong nawala na rin si Knight ay si Mikhail na ang naglalagay ng bulaklak doon dahil alam niya na 'yon ang gustong gawin ng kapatid niya.

To Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon