82 days before the arrival of the Millet Comet
The night of the eclipse.
Nakasandal ngayon ang ulo ko dito sa bintana ng sasakyan at blangkong nakatingin sa labas. Pabalik na kami ni Bj sa mansyon pero hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi ni Aldrin.
She was pregnant with Aldrin's child but she had a miscarriage.
Or so they thought?
Ilang sandali pa akong natigilan sa sinabi ni Aldrin. Humihikbi lamang ito sa harapan ko.
"Hindi man lang natin siya nakita, Eve. Nandoon pa rin sa bahay na pinagawa natin ang mga gamit niya. Maghihirap na ako pero hindi ko kayang ibenta 'yon." humihikbing sabi nito.
Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Anong nangyari sa atin, Eve? Maayos naman ang plano natin dati, ah. Titira tayo sa isang bahay hanggang sa manganak ka tapos magpapakasal tayo kapag pareho na tayong tapos sa pag-aaral. Bakit hinayaan nating maging ganito? Saan ba ako nagkamali Everleigh?"
Hindi ko maiwasang masaktan kahit hindi ko naman alam ang buong nangyari.
Nakikita ko ngayon kung paano magunaw muli ang mundo ng lalaking minahal niya.
"Bakit ka nagtatrabaho dito Aldrin? May kinalaman ba si Enriquez?"
Biglang nag-iba ang itsura ni Aldrin. Napalitan ang kaniyang pagdadalamhati nang pagkamuhi.
"Your ex or should I say fiancé, is a powerful monster Eve. Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa kaniya dati pero mag-iingat ka sana. Masyado siyang magaling sa laro niya na pati ang Papa ko ay natalo niya."
Naputol ang usapan namin ni Aldrin nang tawagin siya ng manager. Tumayo na ito at ngumiti nang malungkot.
"Please be safe, Eve. Nandito lang ako kapag may kailangan ka. I will always love you and you will always be the mother of my child." malungkot nitong sabi bago umalis.
Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi nang makita na nandito na naman kami sa impyerno.
Binuksan ko na ang pinto at bumaba bago pa man ako mapagbuksan ni Bj. Nagmamadali akong naglakad papasok ng mansyon.
"Nandiyan ka na pala, Mamá. Akala ko tinakasan mo na naman si Papá." bored na sabi ni Leon habang pababa ng hagdan.
"Kilabutan ka nga." irap ko sa kaniya.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumawa ito.
"Bakit ikaw? Hindi ka ba kinilabutan noong mga panahong pumatol ka sa taong may asawa?" malamig na sabi nito bago tuluyang bumaba.
I don't know why but I'm starting to believe that all of this is her fault.
Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Enriquez. Naglalakad ako pabalik-balik. I need to find something, anything before he comes back.
"Fely, nasaan ang susi sa kwarto ng señor mo?" tawag ko sa isang kasambahay na sa tingin ko ay kaedad ko lang.
"P-Pasensya na po señora pero pinagbilin po ni señor na bawal po magpapasok ng kahit na sino sa kwarto niya." kinakabahang sabi niya.
"Kahit ako na fiancé niya bawal?" kadiri!
"A-ano po bang gagawin niyo señora?"
BINABASA MO ANG
To Get To You
Science FictionDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...