Greed.
One word but it is so destructive that it can destroy everything.
Ito ang naranasan ni Mariang Sinukuan, ang diwata ng bundok Arayat. Lagi siyang nagbibigay ng pagkain sa mga nasasakupan niya kapalit ng isang kahilingan--hindi sila pwedeng umakyat sa bundok upang kumuha ng kung ano man mula doon. Pero sadyang sakim talaga ang ilan at sinuway nila ito. Sinira nila ang tiwala ni Maria para sa pansariling kapakanan nila.
"Bilang parusa, itinigil na ni Maria ang paghahandog ng mga bungang kahoy mula sa kabundukan." pagpapatuloy ng tour guide sa kwento niya habang paakyat kami ng bundok.
"Wala talagang nagagawang maganda ang pagiging sakim. Napapahamak mo lang ang ibang tao dahil sa pansariling kagustuhan mo." kumento ng isa sa kasama naming umakyat.
Pumasok sa isip ko ang mga magulang niya at si Enriquez.
Marahil ay magkaiba ang dahilan nila pero pareho lamang silang nagpadala sa kasakiman at dahil doon ay napahamak nila ang Eve na nandito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Knight sa tabi ko.
Tumango lamang ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Nagulat naman ako nang pumunta sa harapan ko si Knight. Bahagya itong bumaba at tinapik ang likod niya.
"Sakay ka na."
"Huh? Payat lang ako Knight pero mabigat ako." baka mamaya magpagulong-gulong pa kami pababa.
"Tss. Sakay na nga. Mukhang mahihimatay ka na sa itsura mo." hinila niya ang dalawang kamay ko papunta sa leeg niya at pwersahan akong sinakay sa likod niya.
"Sweet mo talaga 'no." sarkastikong sabi ko.
Nagpatuloy lang sa pag-akyat si Knight na parang hindi nahihirapan kahit pasan niya ako sa likod niya.
"Honey ang sweet nila, oh. Buhatin mo rin ako." nakangusong sabi ng babae sa boyfriend niyang patpat.
"Baka ikaw dapat ang bumuhat sa akin, hon. Mas may muscle ka kaysa sa akin." sabi ng lalaki kaya nahampas siya nito.
Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Knight upang palihim na tumawa. Naramdaman kong bahagya siyang natigilan.
"Bakit?" tanong ko habang naksubsob pa rin ang mukha sa leeg niya.
Ang gwapo gwapo na nga niya sa paningin ko pati ba naman sa pang-amoy ko?
Bumuntong hininga siya at umiling lang.
Pagkatapos ng mahigit tatlong oras na pag-akyat ay narating na namin ang tuktok. Inagahan talaga namin ng sobra ni Knight para maabutan ang bukang liwayway.
Two items ticked off my bucket list.
Go hiking with Knight. Check!
Watch the sunrise with him. Check!
Dalawa na lang.
"Ang ganda, Knight!" namamanghang sabi ko.
Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko. Pinagpahinga niya rin ang baba niya sa taas ng ulo ko.
Nakakamangha kung paano ang mga bagay ay nabibigyan ng sariling interpretasyon depende sa pananaw ng isang tao.
For others, sunrise symbolizes new hope while others might view it as a curse. It also serves as a mark for a brand new day while for others, it is already the end of their day. For me, sunrise simply means that there will always be light after darkness.
BINABASA MO ANG
To Get To You
خيال علميDo you believe that there are other Universe aside from what we've grown to know? A Universe where there is a different version of yourself. What if one day, you woke up to her world? A world that is similar to yours but in an entirely different way...